Hello sa inyong lahat, ako si Erica. |
Ang araw ng Eid al-Fitr ay ang pagdiriwang ng mga Muslim ng unang araw ng Shawwal. Nagpapahiwatig ito pagatatapos ng isang buwan ng pag-aayuno at pagdarasal. Para sa maraming Pilipino, kinikilala ito bilang Wakas ng Ramadan at ipinagdiriwang ng parehong Kristiyano at Muslim na mga Pilipino. |
Ang petsa ng pagdiriwang na ito ay nakabase sa kalendaryong Islam at nagaganap matapos ang unang gabi ng bagong buwan. |
Halina't alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw na ito! |
Ang araw na ito ay kamakailan lamang ginawang opisyal na holiday. Alam niyo ba kung kailan ito naipatupad? |
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. |
Inuumpisahan ng mga Muslim ang pagdiriwang ng araw na ito sa pamamagitan ng paliligo, pagsusuot ng pinakamaganda nilang damit, paglalagay ng pabango at pagkain ng matatamis bago tumungo sa moske para magdasal. Ang unang dasal ng Eid ay ginagawa bilang isang kongregasyon sa mga moske o sa mga naitalagang open space para sa pagdarasal. Sunod sa ikalawang Haligi ng Islam, humaharap ang kongregasyon sa direksyon ng Mecca. |
Sinusundan ang dasal ng Eid ng khutbah na pinangungunahan ng Imam. Karaniwang ang mga sermon ay tungkol sa pagpapasalamat sa Panginoon, kasaysayan at kahalagahan ng pagdiriwang, paghingi ng kapatawaran sa kapwa, at ang mga responsibilidad para sa ikatlong Haligi ng Islam, ang zakat. Matapos ito, magbabatian at magyayakapan ang mga magkakatabi. Ang mga tradisyunal na pagbati gaya ng Eid mubarak o Eid sa-id ang karaniwang maririnig. |
Ang araw na ito ay puno ng handaan, kasiyahan, at pasasalamat. Nagbibigayang ang mga tao ng Eidi sa kani-kanilang mga pamilya. Mayroon ring partikular na zakat na ibinibigay sa araw na ito, ito ay ang Fitrana na tinatawag ding Zakat al-Fitr. Para sa mga Muslim, isa itong masayang selebrasyon ng pasasalamat sa Panginoon. Isa rin itong pagdiriwang na sumisimbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. |
Ang Pilipinas ay kinikilalang isang "Kristiyanong" bansa sa Asya. Ngunit ang Pilipinas rin ang natatanging Kristiyanong bansa na isina-batas ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr at itinuring ito bilang pambansang holiday. |
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. |
Kamakailan lamang ginawang opisyal na holiday ang araw na ito. Alam niyo ba kung kailan ito naipatupad? |
Naipatupad ang pagiging pambansang holiday nito noong taong 2002. Layunin ng pagpapatupad nito na magkaisa ang bansa, Kristiyano man o Muslim, sa pagpapahalaga sa mga araw na may importansya sa bawat isa. |
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan? |
May mga pagdiriwang pa ba kayong alam na kahalintulad nito? |
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson! |
Comments
Hide