Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Matapos ang isang linggo ng kalungkutan, sa wakas, araw na ng pagdiriwang! Ang Linggo ng Pagkabuhay ay isang araw ng katuwaan at selebrasyon para sa mga Pilipino.
Para sa maraming Katoliko, ang Salubong ay hindi lamang nagaganap sa gabi ng Sabado de Gloria, kundi sa madaling araw rin ng Linggo ng Pagkabuhay. Maliban dito, marami pang mga tradisyon at gawain na nakapaloob sa araw na ito.
Tuklasin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw na ito!
Sa lesson na ito, alamin natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Linggo ng Pagkabuhay.
Alam niyo ba kung ano ang piyesta na ginaganap sa Linggo ng Pagkabuhay sa probinsiya ng Marinduque?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Karaniwang nagpupunta sa mga simbahan ang mga naninirahan sa siyudad sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay. Madalas sa mga probinsiya, nag-uumpisa na ng alas-quatro ng umaga ang mga unang selebrasyon. Ito rin ang Salubong na ipinagdiriwang sa gabi ng Sabado de Gloria. Sa seremonyang ito pinagtatagpo ang imahe ni Hesus at Maria sa labas ng simbahan.
Sa mga probinsiya, masasabing buhay na buhay pa rin ang mga tradisyunal na paraan ng pagdiriwang tuwing Araw ng Pagkabuhay.
Dahil ito ay araw ng pagdiriwang at katapusan ng pag-aayuno, hindi mawawala ang pamilya, pagkain at kantahan lalong-lalo na sa mga Pilipinong tahanan! Ang bawat pamilya ay mayroong kanya-kanyang paraan ng pagdiriwang pero madalas na sila nagtitipon-tipon para sa isang maliit na handaan. Madalas na iba't ibang klaseng mga putaheng karne ang inihahanda sa panahong ito.
Maliban dito, hindi rin mawawala ang Easter Egg Hunting at Easter Egg painting contest para sa mga bata. Kamakailan lamang nagiging popular ang mga ganitong klase ng selebrasyon sa PIlipinas. Pinangungunahan ng mga mall at mga ilang malalaking kompanya ang mga ganitong klaseng selebrasyon na dinadaluhan ng mga bata at mga matatanda.
Ito ay isa sa pinakamatrapik na araw sapagkat napakaraming mga tao ang nagbabalikan na sa siyudad. Madalas na puno ang mga paliparan, pier at terminal ng mga bus sa araw na ito. Kaya, kung nasa Pilipinas ka sa araw na ito, mag-ingat sa trapiko!
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam niyo ba kung ano ang piyesta na ginaganap sa Linggo ng Pagkabuhay sa probinsiya ng Marinduque?
Ito ang Moriones Festival. Piyesta ito kung saan ang mga tao ay nagbibihis at nagsusuot ng mga Morion na maskara para gayahin ang mga Romanong sundalo. Isinasadula sa piyestang ito ang buhay ni Santo Longinus, isang Romanong senturyon na bulag ang isang mata.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Anong klaseng pagdiriwang ang ginagawa niyo sa Araw ng Pagkabuhay?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide