Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Sabado de Gloria ay ang huling araw ng pag-aayuno para sa mga Katoliko sa Pilipinas. Gaya ng ibang araw sa Semana Santa, patuloy pa rin ang taimtim na pag-alala sa sakripisyo ni Hesus sa araw na ito.
Ang mga gawain sa araw na ito ay madalas na nakatutok sa mga paghahanda para sa selebrasyon ng muling pagkabuhay. Ang selebrasyong ito ay tinatawag na Salubong o Easter Vigil.
Sa lesson na ito, malalaman natin ang mga halimbawa ng paghahanda na ginagawa ng mga Pilipino para sa Muling Pagkabuhay.
Alam niyo ba kung bakit pinagbabawalan ang mga bata na maglaro sa kalye tuwing Biyernes Santo at Sabado de Gloria?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Madalas, sa mga siyudad, nanatili lamang ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay. Pinagbabawal ang pagkain ng karne at pag-inom ng alak. Ngunit sa mga probinsiya, karaniwang maraming mga paghahanda ang ginagawa, gaya ng prusisyon. Ang prusisyon na ito ay kakaiba sapagkat ang mga babae at lalaki ay hiwalay. Nagdadala ng kandila ang parehong mga babae at lalaki, ngunit ang mga babae ang inaatasang sumunod sa imahen ng Birheng Maria habang ang mga lalaki naman ang sumusunod sa imahen ni Hesus.
Matapos ang prusisyon, ang mga tao ay nagtitipon-tipon sa labas ng simbahan para sa isang ritwal na pinangungunahan ng kura paroko. Matapos ito, susunod ang lahat ng tao papasok ng simbahang madilim. Dito, mula sa sindi ng kandila ng kura paroko, isa-isang masisindihan ang mga kandila ng mga parokyano.
Sa loob ng isang saglit, ang buong simbahan ay magliliwanag sa pamamagitan ng mga sindi ng kandila ng bawat isa. Isa ito sa mga pinakataimtim na sandali ng pagdiriwang.
Ang Salubong ay ang pagsasadula ng pagtatagpo ng Birheng Maria at ng muling nabuhay na Hesus. Madalas, isa ito sa pinakamalaking pagsasadula na nagaganap sa mga parokya, liban na lang sa pagsasadula tuwing Pasko. Ang pagsasadulang ito ay tinatanghal sa gitna ng misa kung saan ang misa ay nagsisimula sa takipsilim, simbolo ng kamatayan ang dilim, at matapos ang maiksing dula ng muling pagkabuhay, natatapos ang misa sa bukang liwayway, na sumisimbolo sa muling pagkabuhay.
Alam niyo ba na tinatawag itong Sabado de Gloria dahil ito ang unang araw matapos magsimula ang Kuwaresma o Semana Santa kung kailan maaring kantahin na muli ang “Gloria”.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam niyo ba kung bakit pinagbabawalan ang mga bata na maglaro sa kalye tuwing Biyernes Santo at Sabado de Gloria?
Ito'y dahil sa pinaniniwalaan na kung ikaw ay masusugatan sa dalawang araw na ito, hindi na ito kailanman maghihilom dahil wala si Hesus para paghilumin ang mga sugat.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
May mga katulad din ba kayong paniniwala tuwing Semana Santa?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide