Hello sa inyong lahat, ako si Erica. |
Kilala ang mga Pilipino sa kanilang mga pistang puno ng kasayahan. Ngunit ang Biyernes Santo ang isa sa kakaunting pampublikong holiday na naiiba kaysa sa karaniwan. |
Sa araw na ito ginugunita ang Pasyon, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo. Walang kahit anong uri ng pampublikong katuwaan o pagdiriwang ang nagaganap sa araw na ito. |
Sa lesson na ito, tuklasin natin kung paano inoobserbahan ng mga Pilipino ang Biyernes Santo. |
Alam niyo ba kung ano ang ekspresyon na galing sa pangalan ng araw na ito? |
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. |
Ang Biyernes Santo ay ginugunita sa pamamagitan ng mga prusisyon sa kalye habang sinusundan ang kwento ng Daan ng Krus. |
Mayroon pang mga pagkakataon kung saan ang pagsasadula ng Pasyon ni Hesukristo ay umaabot sa aktwal na pagpapako ng mga tao sa krus. Ito'y ginagawa ng ilang mga deboto bilang isang uri ng penitensya para sa kanilang mga kasalanan. |
Sa araw na ito, ipinagbabawal sa mga Katoliko ang pagkain ng karne, pag-inom ng alak, at sobrang pagsasaya. |
Ang Siete Palabras ay ang paggunita sa huling mga salita ni Hesus habang siya ay pinapako sa krus. Ang mga kasabihan na hango sa Siete Palabras ay nagtuturo ng mga aral tungkol sa pagpapatawad, kaligtasan ng kaluluwa, pakikipagkapwa-tao, pagka-abandona, pagkabalisa, tagumpay at ang muling pagsama sa Panginoon. |
Sa araw rin na ito nagtatapos ang Pabasa. |
Ang Pabasa ay isa sa mga paraan para alalahanin ang sakripisyo ni Hesus sa pamamagitan ng pag-awit ng salaysay ng buhay, pasyon, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus. |
Ang Senakulo ay isa rin sa mga paraan ng paggunita ng araw na ito. Ito ay ang pagsasadula ng Pasyon. Sa ibang rehiyon ng bansa, tinatanghal ang Senakulo sa buong linggo ng Semana Santa. |
Pinaniniwalaang ang alas tres ng hapon ng Biyernes Santo ang oras ng pagkamatay ni Hesus. At ayon sa mga superstisyong paniniwala, sa oras daw na ito, naglalabasan ang mga masasamang espiritu kaya naman pinipilit ng mga magulang ang kanilang mga anak na manatili sa loob ng bahay. |
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. |
Alam niyo ba kung ano ang ekspresyon na galing sa pangalan ng araw na ito? |
Ang ekspresyong ito ay ang Mukha kang Biyernes Santo kung saan ipinapahiwatig na ang mukha ng sinasabihan ay malungkot at mapanglaw katulad ng nangingibabaw na pakiramdam kung Biyernes Santo. |
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan? |
Mayroon ba kayong katulad na ekspresyon sa inyong lenggwahe? |
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson! |
Comments
Hide