Hello sa inyong lahat, ako si Erica. |
Pag-uusapan natin ang Panagbenga Festival na ipinagdiriwang buong buwan ng Pebrero. Ang Panagbenga ay isang flower festival na dinaraos sa Baguio City, ang kinikilalang summer capital ng bansa. |
Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano nga ba ipinagdiriwang ang Panagbenga Festival. |
Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ng pyestang ito na Panagbenga? |
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. |
Unang isinagawa ang Panagbenga Festival noong taong 1995 bilang simbolo ng pagbangon ng siyudad mula sa epekto ng 1990 Luzon Earthquake. Ito rin ay ginanap bilang pagdiriwang sa pagsibol ng mga bulaklak ng rehiyon ng Cordillera. |
Napagdesisyunan na idaos ang Panagbenga tuwing Pebrero dahil walang masyadong kaganapan sa buwang ito, lalo na ito ay nasa pagitan ng panahon ng Pasko at Kuwaresma. |
Ang opening parade ay nagaganap sa ika-unang araw ng Pebrero. Matapos ito iba't ibang kompetisyon na ang sinisimulan, gaya ng drum ang lyre competition at street dancing competition sa pagitan ng mga estudyante sa elementarya. Sa buong buwan din ng Pebrero nagkakaroon ng mga trade fair at bazaar na dinadaluhan ng napakaraming tao. |
Isa pa sa pinakakilalalang lugar sa Baguio ay ang Session Road. Sa ika-apat na Lunes ng Pebrero, idinaraos ang Session Road In Bloom kung saan isinasarado ang buong kalye para sa mga stalls at mga cafe. Nariyan rin ang mga marching band na tumutugtog para sa parada ng mga float na gawa sa mga bulaklak. |
Alam niyo ba na noong unang idinaos ang Panagbenga, ipinagdiwang lamang ito sa loob ng 10 araw? Dahil na rin sa mabilis na pagtaas ng popularidad ng kasiyahan, hinabaan ito at ginawang tatlong linggo, hanggang sa napagdesisyunan ng ipagdiwang ito ng buong buwan ng Pebrero. |
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. |
Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ng pyestang ito na Panagbenga? |
Ang Panagbenga ay isang Kankanaey na salita na ginagamit ng mga tribong nagmula sa bulubundukin ng Cordillera, Igorot, at Sagada. Ang salitang ito ay may Malayo-Polynesian na pinagmulan at ito ay nangangahulugan ng "panahon ng pagsibol". |
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan? |
May kahalintulad din ba kayong pagdiriwang? |
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. |
Hanggang sa susunod na lesson! |
Comments
Hide