Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang Kadayawan Festival. Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa lungsod ng Davao. Ito'y ipinagdiriwang bilang isang selebrasyon ng buhay, pagpapasalamat sa kalikasan, yaman ng kultura, at kasaganaan ng ani.
Sa lesson na ito, tutuklasin natin kung paano nga ba ipinagdiriwang ang Kadayawan Festival.
Alam niyo ba kung saang salita hango ang pangalan ng pistang ito?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Isa sa katatangi-tanging aspeto ng pyestang ito ay ang kakayahan nitong pagbuklurin ang iba't ibang mga tribo ng Davao. Gaya ng mga tribo ng Tausog, Maranao, Kagan, at iba pa. Dito rin makikita ang yaman at tingkad ng kani-kanilang kultura. Ang pinaka-inaabangan sa selebrasyong ito ay ang huling tatlong araw ng pagdiriwang. Isa sa mga mahahalagang okasyon ay ang Hiyas ng Kadayawan pageant.
Sumunod dito ay ang Indak-Indak sa Kadalanan. Isa itong kompetisyon ng sayaw na tinatanghal sa malalaking kalsada ng Lungsod ng Davao.
Sa mga sayaw na ito, nagpapakita ng mga katutubong galaw ang mga nagpapakitang-gilas na mga kalahok. Tampok rin sa mga sayaw na ito ang makukulay na kostyum ng mga mananayaw.
Sunod naman ang Pamulak Kadayawan. Maihahantulad rin ito sa Indak-Indak sa Kadalanan ngunit naiiba ito sa laki at garbo ng mga kaganapan. Maliban sa mga sayawan, nariyan rin ang parada ng mga engrandeng karosa na puno ng mga bulaklak.
Matapos ang Batas Militar noong 1986, ang pyestang ito, na tinawag na "Apo Duwaling" noon, ay nagsilbing pyesta para pagbukulurin ang mga Dabawenyo. Ang pangalang "Apo Duwaling" ay galing sa 3 icon ng Davao, ang bundok Apo, Durian, at Waling-Waling.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam niyo ba kung saang salita hango ang pangalan ng pistang ito?
Ang pangalan na "Kadayawan" ay nagmula sa pagbating "madayaw" mula sa salitang Dabawenyo na "dayaw". Ang ibig sabihin ng salitang ito ay isang bagay na mabuti, mahalaga, at maganda.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Nakadalo na ba kayo sa Kadayawan Festival? Anong masasabi niyo?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide