Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Sa araw na ito, pag-uusapan natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng mga Ama. Ito ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing ikatlong linggo ng Hunyo.
Dito ipinapakita ng lahat ng mga anak ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga minamahal na ama.
Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano pinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga ama.
Sa Pilipinas, kung ang mga ina ay tinuturing na ilaw ng tahanan, ano naman ang mga ama?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Maraming pagtawag ang mga Pilipino sa kanilang mga ama. Nariyan ang tatay, itay, tay, ama, papa, daddy at marami pang iba. Mataas ang pagtingin ng lipunang Pilipino sa mga ama. Lalo na mula nang umpisahan ang labor export policy ng Pilipinas noong 1970s, nanguna ang mga ama sa pagdayo sa ibang bansa para magtrabaho nang maitaguyod ang kanilang mga pamilya. Para naman sa iba, pinili nila ang pananatili sa Pilipinas kahit na may oportunidad sa ibang bansa na kumita ng mas malaki para makasama lamang ang kanilang pamilya.
OFW man o hindi, mahalaga ang papel ng mga ama sa pamilya at sa lipunan. Kaya naman, talagang ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng mga Ama. Karaniwang lumalabas ang mag-anak upang mamasyal sa mga mall o parke. Dito madalas binibilhan ng regalo ang mga ama tulad ng bagong damit o kaya gamit na pang-isports. Kung hindi man mahilig mamili si tatay, madalas sa masarap at espesyal na kainan napapadpad ang mga pamilya sa araw na ito.
Para sa mga pamilyang may amang OFW, hindi mawawala ang ilang oras na pakikipag-usap sa pamamagitan ng Skype at Facebook upang mangamusta at magpakita ng pasasalamat sa suportang binibigay sa kanila.
Dito makikita ang isang halimbawa ng pagsasakripisyo ng mga Pilipinong ama para sa kanilang mga pamilya.
Hindi tradisyonal na pinagdiriwang ang Araw ng mga Ama sa Pilipinas pero dahil sa impluwensya ng mga Amerikano sa kultura, halos lahat ng tao ay nagdiriwang ng araw na ito.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Sa Pilipinas, kung ang mga ina ay tinuturing na ilaw ng tahanan, ano naman ang mga ama?
Sa Pilipinas kinikilala ang mga ama bilang "haligi ng tahanan". Ibig sabihin nito, ang mga ama ay parang haligi ng isang bahay na nagbibigay proteksyon. Sila rin ang pundasyon at suporta ng pamilya.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Paano niyo ipinapakita ang inyong pasasalamat sa inyong mga ama?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide