Hello sa inyong lahat, ako si Erica. |
Ang Araw ng mga Ina ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing ikalawang linggo ng Mayo. Sa araw na ito, ipinapakita ng mga tao ang kanilang pasasalamat sa lahat ng ginagawa ng kanilang mga ina para sa kanila. |
Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano pinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga ina. |
Bago ang taong 1980, kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina sa Pilipinas? |
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. |
Ang Pilipinas sa kasalukuyan ay nasa ika-8 sa mundo, at ika-una sa Asya, bilang bansang kung saan mayroong pinaka-pantay na pagtingin sa parehong lalaki at babae. Kaya hindi na rin nakakagulat na ang Araw ng mga Ina ay isang malaking selebrasyon. |
Itinuturing itong "day-off" ng mga ina mula sa pagluluto, paglilinis, pag-aalaga ng mga anak at asawa, at pagtatrabaho. Madalas makikita ang mga anak na nagbibigay ng card sa kanilang mga ina, habang ang mga asawang lalaki naman ay abalang nagluluto ng mga pagkaing paborito ng kanilang mga maybahay. Nakaugalian na rin ng mga pamilyang Pilipino na lumabas sa araw na ito para pasayahin ang mga ina ng tahanan. |
Sa Pilipinas, tinatawag ang mga ina bilang "ilaw ng tahanan" sapagkat sila ang tinuturing na nagbibigay liwanag sa buong tahanan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa bawat miyembro ng pamilya, minsan, kahit kapalit na ang kanilang sariling kaligayahan, mapangalagaan at maprotektahan lamang ang kanilang mga mahal sa buhay. |
Dahil sa karaniwang malalaki ang mga pamilyang Pilipino, madalas na ipinagdiriwang ang araw na ito kasama hindi lamang ang mga ina, kundi pati ang mga lola, tiya, mga pinsang babae, at kahit sinong babae sa pamilya na may anak. |
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. |
Bago ang taong 1980, kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina sa Pilipinas? |
Bago ang taong 1980, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina tuwing ika-8 ng Disyembre, kasabay ang Feast of the Immaculate Conception. Ngunit, iminungkahi na ilipat ito sa ikalawang linggo ng Mayo dahil ipinagdiriwang ito sa ibang parte ng mundo sa parehong petsa. |
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan? |
Paano niyo ipinapakita sa inyong mga ina ang inyong pasasalamat? |
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. |
Hanggang sa susunod na lesson! |
Comments
Hide