Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Araw ng Kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ay isa sa mga pampublikong holiday na ipinapagdiriwang tuwing ika-30 ng Disyembre, taun-taon. Dito, ginugunita ng mga Pilipino ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Pero, sino nga ba si Dr. Jose Rizal? At paano siya inaalala ng mga Pilipino?
Sa lesson na ito malalaman niyo kung paano ginugunita ng mga Pilipino ang mga nagawang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.
Alam niyo ba kung bakit tuwing ika-30 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Rizal Day?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Una, sino nga ba talaga si Jose Rizal? Sa araw na ito, inaalala siya bilang isa sa mga lider ng kilusang pang-reporma na naglalayong gawing pantay ang karapatan ng mga PIlipino at ng mga mananakop na Espanyol noong ang bansa ay nasa ilalim ng kolonisasyon ng Espanya.
Ang araw ng paggunita sa pambansang bayani ay ginagawa sa Rizal Park, dating tinawag na Bagumbayan at kilala sa ngayon bilang Luneta Park. Sa Rizal Park, na tinuturing na isang national park, naroon ang monumento ni Jose Rizal. Isinapubliko ang monumento ni Rizal noong taong 1913 at ang kanyang tulang Huling Paalam o Mi Ultimo Adios ay iniukit sa memorial plaque ng monumento.
Mayroong mga seremonyang ginagawa na dinadaluhan at pinangungunahan ng presidente at bise-presidente ng bansa. Nag-aalay ang presidente ng mga bulaklak at pinapasinayaan ang pagbibigay sa bayani ng 21-gun salute.
May mga pagdiriwang rin na isinasagawa sa iba't ibang mga probinsiya. Karaniwang pinasisinayaan ng mga matataas na opsiyal ng probinsiya, kasama sa pagdiriwang ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas.
Alam niyo ba na ipinagbabawal ang sabong, karera ng kabayo, at jai-alai tuwing araw na ito? Isinasaad rin sa batas na dapat itaas ang bandila ng naka half-mast.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam niyo ba kung bakit tuwing ika-30 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Rizal Day?
Sa araw na ito binigay ni Jose Rizal ang kanyang buhay para sa bansa. Mula sa kanyang piitan sa Fort Santiago, siya'y naglakad patungong Bagumbayan upang harapin ang kanyang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Paano niyo ginugunita ang inyong pambansang bayani?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide