Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Araw ng Paggawa, na tinatawag ding Araw ng Manggagawa sa Pilipinas ay isang pampublikong holiday. Ito ay nagaganap tuwing ika-una ng Mayo. Ang araw na ito ay para ipagdiwang ang mga kontribusyon ng mga manggagawa, ngunit ito rin ay araw para ipahayag ng sektor ng mga manggagawa ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mga rally, protesta at mga demonstrasyon.
Sa lesson na ito, malalaman natin kung anu-ano ang mga nagaganap sa araw na ito.
Alam niyo ba kung kailan unang ipinagdiwang ang Araw ng Paggawa sa Pilipinas?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Maraming job fair ang ginaganap sa araw na ito. Pinangungunahan ng Department of Labor and Employment o DOLE, iba't ibang mga kumpanya at mga lokal na pamahalaan ang nagsasagawa ng mga job fair kung saan higit kumulang sa 300,000 trabaho ang iniaalok. Maliban rito, naghahandog rin ang DOLE ng mga libreng serbisyo tulad ng training para sa kabuhayan, legal na konsultasyon, medical checkup at iba pa.
Bukod sa mga job fair, kabi-kabila rin ang mga demonstrasyon ng iba't ibang grupo mula sa sektor ng mga manggagawa. May mga taong nagkaroon ng tigil-pasada ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan gaya ng bus at jeep bilang protesta sa mababang singil sa pamasahe at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Nagkakaroon rin ng mga malawakang demonstrasyon ang mga militanteng grupo na nagnanais na pataasin ang minimum wage at dagdagan ang mga benepisyong natatanggap ng mga manggagawa.
Dahil sa ang araw na ito ay isang pampublikong holiday, marami rin ang nagpapasyang magbakasyon. Para naman sa mga taong may pasok sa araw na ito, kumikita sila ng doble sa normal na sahod para sa isang araw, at para sa mga taong magtatrabaho ng higit sa walong oras,may kaukulang porsyento na madadagdag sa kanilang sahod kada oras.
Alam niyo ba na sa taong 2012, higit sa 40 organisasyon pang-manggagawa ang nagsama-sama para buuin ang koalisyong tinawag na Nagkaisa para himukin ang gobyerno na itaas ang minimum wage, ipagbawal ang kontraktuwalisasyon ng paggawa, at i-regulate ang presyo ng langis, kuryente at tubig.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam niyo ba kung kailan unang ipinagdiwang ang Araw ng Paggawa sa Pilipinas?
Ang Araw ng Paggawa sa Pilipinas ay unang ipinagdiwang noong 1903. Sa taong iyon, mahigit sa 100,000 manggagawa ang nag-martsa sa Malacañang para ipanawagan ang pagpapabuti ng kondisyon ng pagtatrabaho para sa mga manggagagawa.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Paano niyo ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide