Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Araw ng Tatlong Hari ay ipinapagdiriwang sa unang Linggo matapos ang Bagong Taon tuwing Enero ng taon. Ito rin ang tinuturing na huling araw ng napakahabang panahon ng Pasko sa bansa.
Kahit na unti-unti nang namamatay ang mga tradisyon ng araw na ito, mabuti pa ring alamin natin kung paano ba ito ipinagdiriwang.
Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano ba ipinagdiriwang ang Araw ng Tatlong Hari.
Ano ang sinasabi ng mga Pilipino sa bawat isa bilang pagbati kung sasapit ang araw na ito?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Ang Araw ng Tatlong Hari ay inaalala ng mga Katolikong Pilipino bilang ang araw kung kailan binisita ng Tatlong Haring Mago ang sanggol na Hesus sa kanyang sabsaban sa Bethlehem. Kilala ang Tatlong Hari bilang sina Melchor, Gaspar at Baltazar na nagdala ng mga regalong ginto, amanyang at mira.
Sa maraming taon, pinaniwalaan ng mga batang Pilipino na ang Tatlong Hari ang tagapagdala ng mga regalo, kaya naman nakagawian nang maglagay ng mga bata ng kanilang mga malilinis na sapatos sa labas ng bahay sa pag-asang malalagyan ang mga ito ng mga kendi, tsokolate, o pera mula sa tatlong hari. Ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng Amerika, napalitan ang paniniwalang ito ng paniniwala kay Santa Claus.
Tulad rin ng paniniwala kay Santa Claus, sinasabihan ang mga bata na magbait at maging disiplinado para mabigyan ng mga regalo ng Tatlong Hari. Para maipakita ang kanilang disiplina, ang mga bata mismo ang naglilinis ng kanilang mga sapatos na inaasahan nilang malalagyan ng mga regalo. Sa karaniwan ang mga regalo ay natatanggap sa araw ng Pasko, sa ika-25 ng Disyembre. Ngunit para sa ibang mga Pilipino, nakaugalian na nila na sa Araw ng Tatlong Hari magbigayan ng mga regalo.
Ang Araw ng Tatlong Hari ay tinatawag din na Pasko ng Matatanda. Marahil, ito ay dahil sa karaniwang depiksyon ng Tatlong Hari na tatlong marurunong na hari na may katandaan na, malamang dahil na rin ito siguro sa sinasabing kaugnayan ng edad at karunungan.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Ano ang sinasabi ng mga Pilipino sa bawat isa bilang pagbati kung sasapit ang araw na ito?
Simpleng simple lang ang pagbati sa araw na ito. "Happy Three Kings!". Kahit hindi na ganoon na ipinagdiriwang ang araw na ito, karaniwan pa ring maririnig ang pagbati ng "Happy Three Kings" kung ika-6 ng Enero.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Kayo, ipinagdiriwang niyo ba ang Araw ng Tatlong Hari?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide