Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Tinuturing na importanteng araw ang Undas na inoobserbahan tuwing ika-una ng Nobyembre. Ito ay dahil sa, karaniwan, ito lamang ang araw kung saan nakakapagsama-sama ang bawat miyembro ng pamilya upang gunitain ang kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.
Sa lesson na ito, tutuklasin natin ang mga paraan ng pag-gunita ng mga Pilipino sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay tuwing araw ng Undas.
Kung Undas, laman ng mga telebisyon ang mga balita tungkol sa trapiko papunta sa mga malalaking sementeryo. Pero bukod dito, ano pa ang pinakakaraniwang mapapanood tuwing Undas?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Sa araw na ito, ipinagdarasal ang mga kaluluwa ng lahat ng mga namatay para makarating sila sa langit. Pinaniniwalaan ng mga Katolikong PIlipino na nananatili ang mga kaluluwa ng mga yumao sa purgatoryo kung hindi ipagdarasal ng kanilang mga kamag-anak ang kanilang kaligtasan. Bilang pagdarasal at pag-obeserba sa Undas, nagtitirik ng kandila ang mga tao sa labas ng kanilang mga bahay.
Bilang paghahanda, karaniwan ang paglilinis at pagpipintura ng mga puntod ay ginagawa na bago pa sumapit ang araw ng Undas. Pagdating sa sementeryo, magtitirk ng kandila sa harap ng mga puntod ang mga bumibisita, panandaliang magdarasal, at matapos ay mag-aalay ng pagkain sa namatay. Karaniwang nagdadala rin ng larawan ng yumao ang mga kamag-anak.
Madalas nananatili ang mga Pilipino sa sementeryo ng dalawang araw, mula ika-1 ng Nobyembre para sa Araw ng mga Santo hanggang ika-2 ng Nobyembre para sa Araw ng mga Patay. Wala namang ganoong kalaking pagkakaiba sa pagdiriwang ng dalawang araw na ito. Sa pangalan, ang ika-una ng Nobyembre ay para sa paggunita ng mga santo at ang ika-2 naman ay para sa mga yumao. Ngunit, sa karaniwan, ang mas pinag-uukulan ng pansin ay ang mga miyembro ng pamilya na namayapa na.
Imbis na maging tahimik at malungkot ang araw ng Undas, ang araw na ito ay nagmimistulang piyesta. Dahil na rin sa isa itong paraan para makapag-reunion ang mga mag-anak, ito rin ay mainam na okasyon para alalahanin ang mga masasayang panahon kasama ang mga yumao na at ang pagpapatuloy ng buhay.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Kung Undas, laman ng mga telebisyon ang mga balita tungkol sa trapiko papunta sa mga malalaking sementeryo. Pero bukod dito, ano pa ang pinakakaraniwang mapapanood tuwing Undas?
Bukod sa sunud-sunod na balita tungkol sa trapiko at dami ng mga tao sa mga sementeryo, ang pinakakaraniwang palabas sa telebisyon tuwing Undas ay ang mga kuwentong horror lalo na tungkol sa mga multo, aswang, tikbalang at kapre. Napakarami talagang mga nakakatakot na TV Specials ang ipinapalabas sa panahong ito.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Ano ang mga karaniwan niyong ginagawa kung araw ng Undas?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide