Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa, ipinagdiriwang din ang Araw ng mga Puso tuwing ika-14 ng Pebrero sa PIlipinas. Pinaghahandaan ng maraming PIlipino lalo na ng mga magkasintahan ang araw na ito para ipaalala at ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga minamahal sa buhay.
Sa lesson na ito, aalamin natin ang mga romantikong kasanayan ng mga Pilipino tuwing Araw ng mga Puso.
Nagiging popular ang mga mass wedding tuwing Araw ng mga Puso sa Pilipinas. Noong 2012, alam niyo ba kung ilang pares ang nagpakasal at nag-renew ng kanilang mga wedding vow?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Para sa mga magkasintahan at mag-asawa hindi mawawala ang palitan ng tsokolate at rosas. Sa araw na ito, kahit saan ka mapalingon, may siguradong nagbebenta ng mga stuffed toys, rosas at mga tsokolate. At siyempre, napakaraming mga mag kasintahan ang nagde-date.
At kung hindi niyo pa alam, maraming Pilipino ang tunay na romantiko. Kaya naman mula sa mga mall, mga restaurants, mga hotels hanggang sa mga amusement parks, napakaraming mga romantikong pakulo ang mayroon.
Marami pa rin ang gumagamit sa araw na ito para magtapat at manligaw. Siyempre, kung panliligaw na ang usapan, hindi mawawala ang harana sa eksena. Isa itong tradisyon ng panliligaw. Mas ginagawa man ito noon kaysa ngayon, marami pa rin ang nakakaalam nito. Kung dati ang mga kantang pang-harana ay mga kundiman, ngayon, kahit anong romantikong kanta ay maaring kantahin. Mapa OPM man o banyaga, basta kaya nitong ipahayag ang iyong nararamdaman, at kung may lakas ka ng loob, wala ka mang boses, maari mong haranahin ang taong gusto mo. At malay mo, magustuhan ka rin niya.
Siyempre hindi namimili ang Araw ng mga Puso sa Pilipinas. Ikaw man ay walang kasintahan, torpe, pakipot o kaya naman ay pinili mo talaga na maging single, huwag kang mag-alala! Mayroon ring mga "Singles Only" na party sa siyudad!
Malay mo, baka roon mo pa makilala ang nakatadhana para sa iyo.
Ang mga guro ang karaniwang may pinakamaraming natatanggap na Valentine's Card tuwing Araw ng mga Puso. Kaya kung single ka, at plano mong maging single habangbuhay, ngunit ayaw mong maging tahimik ang iyong Valentine's, alam mo na ang swak na trabaho para sa iyo.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Nagiging popular ang mga mass wedding tuwing Araw ng mga Puso sa Pilipinas. Noong 2012, alam niyo ba kung ilang pares ang nagpakasal at nag-renew ng kanilang mga wedding vow?
Noong taong 2012 higit sa 2000 magkasintahan ang nagpakasal o nag-renew ng kanilang mga wedding vow sa mga mass wedding na isinagawa ng mga lokal na pamahalaan. Hindi mahalaga kung magarbo man o hindi, ang mahalaga ay ang sumpaan na sila'y magsasama habang-buhay at patuloy na mamahalin ang isa't-isa.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Anong ginagawa niyo tuwing Araw ng mga Puso?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide