Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-apat na linggo ng Enero, sa Iloilo bilang pagpupugay sa Santo Niño. Ang "Dinagyang" ay isang salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay magdiwang at magkaroon ng kasiyahan. Ito ay isa sa mga pista na ginaganap para sa Santo Niño kagaya ng Ati-Atihan ng Aklan at ng Sinulog ng Cebu.
Paano ba ipinagdiriwang ang Dinagyang? Malalaman natin iyan sa lesson na ito.
Alam niyo ba na ang Dinagyang ay mayroong mascot? Alam niyo ba kung ano ang pangalan nito?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Unang tinawag ang Dinagyang sa pangalan na "Iloilo Ati-Atihan", para pag-ibahin ito mula sa Ati-Atihan ng Aklan. Nag-umpisa ito noong 1967 nang dalhin sa Iloilo ang isang replika ng Santo Nino mula sa Cebu. Sinalubong ng mga deboto ang imahen pagkalapag nito sa paliparan at ipinarada ito sa mga kalye ng Iloilo. Noong una, ipinagdiriwang lamang ito sa parokya, hanggang sa dumami na ang mga tribu na sumasali taun-taon at naging mas magarbo at mas masigla na ang mga naging selebrasyon.
Isa sa mga pangunahing kaganapan ay ang Kasadyahan. Ito'y isang dramatisasyon ng buhay ng mga Aeta pagdating ng mga datu mula Borneo, at ang sumunod na kolonisasyon ng isla ng mga Espanyol. Ginagawa ito sa pamamagitan ng sayaw. Tinuturing itong isang kultural na dance parade dahil sa naipapakita nito ang kultura at ilang bahagi ng kasaysayang Pilipino at dahil na rin sa kulay at ganda ng mga kostyum ng mga mananayaw. Ang mga pinakamahalagang batayan ng pagkapanalo sa kompetisyong ito ay ang tema ng dramatisasyon at galing sa pagsayaw.
Lahat ng mga sayaw ay sinasayaw sa saliw ng tambol. At lahat ng mga kostyum ng mga mananayaw ay yari sa mga katutubong materyales. Gaya ng Ati-Atihan ng Aklan, pinipintahan ng itim ng mga mananayaw ang kanilang mga balat
Isa pa sa mga pinakaaabangang bahagi ng Dinagyang ay ang Iloilo Ati-Ati Dance Competition. Sa kompetisyong ito, ang tema ng mga sayaw ay mga pantribong sayaw. Tunay ngang agaw-atensyon ito dahil sa garbo ng mga kostyum at sigla ng bawat galaw ng mga mananayaw.
Sinasabing nagsimula ang Dinagyang at Ati-Atihan nang bilhin ng sampung datu ng Borneo ang Panay mula sa mga Aeta. Ito ay nakatala sa Alamat ng Maragtas, na tinatawag rin na Kodigo ng Maragtas, na nagdedetalye ng pagdating ng sampung datu sa Panay upang takasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw ng Borneo.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam niyo ba na ang Dinagyang ay mayroong mascot? Alam niyo ba kung ano ang pangalan nito?
Dagoy ang pangalan ng mascot ng Dinagyang. Una siyang ipinakilala bilang opsiyal na mascot ng Dinagyang noong 2004. Inilalarawan siya bilang isang batang Aetang mandirigma, kayumanggi ang balat, at may suot na headdress na may disenyo ng Santo Nino. Simbolo siya ng pagkakaibigan ng mga Ilonggo at ng mga turistang dumadayo sa Iloilo para masaksihan ang Dinagyang.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Anong kahalintulad na selebrasyon ang ipinagdiriwang ninyo?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide