Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Tuwing ika-siyam ng Enero sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, ipinaparada ng mga nakayapak na deboto ang estatwa ng Itim na Nazareno habang sumisigaw ng "Viva Senor!". Ito ang Pista ng Itim na Nazareno na dinadaluhan ng napakaraming tao na naghahangad na malapitan at mahawakan ang imahen. Pinaniniwalaang nakagagaling ng mga sakit ang paghawak sa imahen kaya ganon na lang ang dami ng mga dumadalo.
Alamin natin kung ano talaga ang mga nagaganap sa araw na ito.
Alam ba ninyo kung ilang taon na ang imahen ng Itim na Nazareno?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Ang prusisyon ng Itim na Nazareno ay ang paggugunita ng Traslación o ang paglilipat ng imahe papunta sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila. Sa araw na ito, ang imahe ay isinasakay sa andas kasama ng mga debotong naka damit maroon at naglalakad nang nakayapak. Ito ay bilang pag-alala sa paglakad ng nakayapak ni Hesus paakyat ng Kalbaryo. Ito rin ay nagsisilbing penitensya ng mga deboto.
Ang imahen ay sinasabing nanggaling sa Mehiko. Pinaniniwalaan rin na nasunog ang imahen habang nasa galyon mula Acapulco papuntang Maynila ngunit ito'y nailigtas.
Nagsisimula ang prusisyon matapos ang isang misa mula sa dating kinalalagyan ng imahen sa lugar na ngayon ay tinatawag na Rizal Park. Ang andas ng Itim na Nazareno o ang karosa ay nakakabit sa dalawang tali na hinahatak ng mga namamasan. Ang gilid ng tali na pinakamalapit sa kanang balikat ni Hesus ay pinaniniwalaang pinakasagrado sapagkat sa balikat na ito kinarga ni Hesus ang kanyang krus.
Bawat taon, mula anim hanggang siyam na milyong tao ang nakikilahok sa paglilipat ng nasabing imahen.
May ilang kalahok sa prusisyon na naka dilaw. Ang mga kalahok na ito ay kinikilala bilang eskorte ng imahen ng Itim na Nazareno. Sa mga naka-dilaw na tao binabato ng mga deboto ang kanilang mga twalya at panyo upang ipunas sa Nazareno dahil pinaniniwalaan na maililipat sa mga panyo at twalya ang milagrosong kapangyarihan ng imahe.
Alam niyo ba, noong 2012 kinailangan ng 22 oras para maibalik ang Nazareno sa Quiapo? Ang tagal 'di ba? Kaya taun-taon, nakatutok ang mga tao sa mga balita para masubaybayan ang galaw at ruta ng prusisyon.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
Alam ba ninyo kung ilang taon na ang imahen ng Itim na Nazareno?
Higit apatnaraang taon na ang imahen Itim na Nazareno. Nakaligtas ang imahen nang masunog ang Quiapo Church noong 1729 at 1929, mula sa lindol ng 1645 at 1863 at ganon din ng bombahin ang Maynila ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kamusta ang lesson na ito? May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Anong kahalintulad na pista ang ipinagdiriwang ninyo?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Hanggang sa susunod na lesson!

Comments

Hide