Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Hernando R. Ocampo
Ang Pilipinong alagad ng sining na si Hernando R.Ocampo ay nagsulat ng mga dula at nagtrabaho bilang isang tagasulat ng manuskrito para sa telebisyong Pilipino at isa ding patnugot ng dyaryo. Sa katunayan nag-aral siya ng batas at nagsimula bilang isang manunulat bago bumaling sa sining biswal habang sinasanay ang kanyang sarili. Ipinanganak noong taong 1911(Isang libo siyam na raan at labing isa), siya'y pinaka-kilala bilang isang maimpluwensyang radikal na alagad ng sining na ang gawa'y minarkahan ng mga matatapang na kulay at mga kontrobersyal na paksa.
Si Ocampo ay kasapi sa Saturday Group ng mga alagad ng sining at gayundin ng 13 (labintatlong) Moderns, isang grupo bago ang digmaan na itinatag ni Victorio C. Edades noong taong 1938(Isang libo siyam na raan at tatlumpu’t walo). Siya'y nagtrabaho ng malapit kasama ang mga kilalang neo-realist na sila Cesar Legaspi at Vicente S. Manansla, at ang mga paksa ng kanyang mga gawa ay sumaklaw mula sa mga magagandang tanawin ng mga lokasyon sa Pilipinas hanggang sa yumayanig ng mga paglalarawan ng kung ano ang natira sa kanyang bansa pagkaraang, matapos sa wakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lumikha din siya ng isang bagong uri ng abstraksyon sa Pilipinong sining. Ang kanyang istilo ay isang bagong paraan ng pagpapakilala ng mga bulaklak at mga hayop na likas sa Pilipinas. Bilang karagdagan, ang maka-agham na kathang-isip at pantasya ay nagbigay ng maraming inspirasyon para sa kanya at gumanap ng pangunahing papel sa marami sa kanyang mga gawa.
Gumanap din ng pangunahing papel ang distortion at fictionism sa likhang-sining ni Ocampo. Halimbawa, ang Calvary, isa sa kanyang mga pinaka-sikat na gawa, ay inilalarawan ang pagpapako sa krus kay Kristo habang nakabitin siya sa krus sa pagitan ng dalawang kriminal sa harap ng isang senaryo na naglalarawan ng mga pabrikang nagbubuga ng usok. Ang Genesis, na marahil ang gawa na pinaka-kilala siya, ay isang lambat ng nakapilipit na mga kulay na kalaunan ay ginamit bilang disenyo para sa kurtina sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Comments

Hide