Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Vicente Manansala
Ang Pilipinong alagad ng sining na si Vicente Manansala ay ipinanganak noong taong 1910 (Isang libo siyam na raan at sampu) sa Lalawigan ng Pampanga. Bilang isang bata kinawilihan niya ang paggawa ng mga saranggola at pagguhit, at noong siya'y 15 (labinlimang) taong gulang nagtrabaho siya para sa pintor na si Ramon Peralta bilang isang tagagawa ng karatula para sa tindahan niya. Nagtapos siya sa Paaralan ng Pinong Sining sa Unibersidad ng Pilipinas noong taong 1930 (Isang libo siyam na raan at tatlumpu). Isang kaloob mula sa UNESCO ang nagpahintulot sa kanya para mag-aral ng anim na buwan sa Ecole de Beaux Arts sa Canada. Paglaon ng isang taon, binigyan siya ng gobyernong Pranses ng isa pang scholarship nang sa gayon ay makapag-aral siya ng siyam na buwan sa Ecole de Beaux Arts sa Paris.
Karamihan sa mga gawa ni Manansala ay maisasama sa matalinhagang kaharian ng sining. Ang nilikha niyang mga larawan ay kalakhan pagkatapos ng digmaan at ipinagsama ang lungsod at bansa. Isa sa mga pinaka-sikat niyang gawa, ang Madonna of the Slums, na ipininta niya noong taong 1950 (Isang libo siyam na raan at limampu), ay ipinakita ang matinding kahirapan na laganap sa Maynila pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mayroon ding elemento ng kubismo sa kanyang mga gawa dahil sa geometrikong pagtapyas na ginagamit niya. Gayunpaman, ang kanyang istilo ay mas isang adaptasyon ng kubismo dahil ang mga tapyas na ginagamit niya ay mas malawak kaysa sa orihinal na ginamit ng mga cubist. Gayundin nanatili siya ng napakalapit sa totoong itsura ng paksa sa halip na puntiryahin ang abstrakto na karaniwan sa gawa ng ilang pang cubist.
Nanalo si Manansala ng napakaraming gantimpala para sa kanyang mga gawa, kabilang ang unang gantimpala sa Manila Grand Opera House Exhibition noong taong1950 (Isang libo siyam na raan at limampu) at isang hanay ng mga gantimpala mula sa Art Association of the Philippines. Napanalunan din niya ang Republic Cultural Heritage Award noong taong 1963 (Isang libo siyam na raan at animnaput tatlo) at ipirinoklamang isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas noong taong 1982 (Isang libo siyam na raan at walumpu’t dalawa) para sa pagpipinta.

Comments

Hide