Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Victorio C. Edades
Ang Pilipinong pintor na si Victorio C. Edades ay ipinanganak noong taong 1895 (Isang libo walong raan siyamnapu’t lima). Kilala siya sa pagsisimula ng grupong 13 (labintatlong) Moderns, na kilala para sa pagpukaw ng mga maiinit na debate tungkol sa kung gumagana ba ang sining o hindi.
Ipinakita ni Edades ang kanyang talentong pangsining simula sa napakabatang gulang. Ipinakita din niya ang kanyang talento para sa pagkikipagtalo, nagwagi sa iba-ibang paligsahan sa larangang iyon at gayundin sa pagsusulat. Pagkaraan niyang magtapos mula sa mataas na paaralan, pumunta siya sa Estados Unidos kasama ang isang grupo ng mga kaibigan. Kalaunan nagpatala siya sa Unibersidad ng Washington kung saan nagsimula siya sa pag-aaral ng arkitektura at nagwakas sa pagkuha ng kanyang Master na Digri sa Pagpipinta. Habang nasa Washington, dinaluhan niya ang isang eksibisyon na naglalaman ng likhang-sining mula sa mga maestrong taga-Europa tulad nila Picasso at Cezanne. Labis niyang ikinatuwa kung ano ang kanyang nakita doon na sinimulan niyang yakapin ang isang mas makabagong istilo.
Nang bumalik si Edades sa Pilipinas, nadama niya na ang likha na ginagawa ng karamihan ng mga alagad ng sining doon ay masyadong magkakahawig at masyadong limitado sa mga pamamaraan na ginamit. Lumikha siya ng isang eksibisyon ng kanyang sariling gawa at ngayo'y kinikilala na siyang nagdala ng makabagong sining sa Pilipinas. Gayunpaman, ang unang eksibisyon na iyon ay kagulat-gulat sa mundo ng Pilipinong sining kaya walang sinumang bumili ng kahit isang pinta.
Tumulong din si Edades na itayo ang Departamento ng Arkitektura sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Nagsilbi siya bilang pansamantalang direktor at pagkatapos ay nahirang bilang direktor sa isa pang paaralang pang-arkitektura. Gamit ang modelong Amerikano para sa pagsasanay pang-arkitektura, isinama niya ang kasaysayan ng sining at iba pang mga paksa tulad ng mga banyagang wika at ilang agham tulad ng botanika sa kurikulum sa arkitektura.

Comments

Hide