Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Fernando Amorsolo
Ang Pilipinong alagad ng sining na si Fernando Amorsolo ay marahil pinaka-kilala para sa kanyang mga larawan at gayundin sa kanyang mga pinta ng tanawing rural sa Pilipinas. Pinuri siya ng mga kritiko para sa paraan ng paggamit niya ng liwanag sa kanyang gawa.
Ipinanganak si Amorsolo noong taong 1892 (Isang libo walong raan siyamnapu’t dalawa) hindi kalayuan mula sa Maynila. Habang bata pa siya, namatay ang kanyang ama, kaya lumipat ang pamilya sa Maynila nang sa gayon ay makatira sila kasama ng pinsan ng kanyang ina, na si Don Fabian de la Rosa, na nagkataong isa ding pintor. Si Amorsolo ay ginawang aprendis sa pinsan ng kanyang ina noong 13 (labing tatlong) taong gulang siya, at sa paglaon si De la Rosa ay naging isang malakas na tagapagtaguyod para sa mga gawa ni Amorsolo.
Noong 1909 (Isang libo siyam na raan at siyam) nagpatala siya sa Paaralan ng Pinong Sining sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtatrabaho si De la Rosa sa unibersidad sa panahong iyon. Habang nasa kolehiyo, nailantad at naimpluwensyahan si Amorsolo ng ilang kilalang pintor na Europeo, kabilang ang Kastilang alagad ng sining na si Diego Valazquez, Claude Monet, John Singer Sargent, at Pierre-Auguste Renoir.
Sa kanyang pagtatapos mula sa kolehiyo, kumuha si Amorsolo ng trabaho sa Kawanihan ng Pagawaing Bayan, kung saan nagtrabaho siya bilang isang delinyante. Sa parehong panahon, nagturo din siya ng part time sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtrabaho sa Pacific Commercial Company bilang punong alagad ng sining. Isang kaloob ang nagpahintulot sa kanya para mag-aral sa España at bisitahin ang Lungsod ng New York, at pagkatapos ng mga paglalakbay na iyon bumalik siya sa Maynila kung saan nagtayo siya ng sarili niyang istudyo.
Karamihan ng mga tanawin na ipininta ni Amorsolo ay tahimik at mapayapang mga tanawin, bagaman mas madilim ang ilan sa kanyang pinta sa panahon pagkatapos ng digmaan. Ang kanyang istilo ng pagpipinta ay kalakhang klasikal at gumagamit ng liwanag sa napakalalim na mga paraan.

Comments

Hide