Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue |
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue, kilala rin bilang Payew, ay nagmula pa, noong taong 2,000 (dalawang libo) ng ang mga ninuno ng mga kasalukuyang katutubo roon ay nililok ang mga ito sa gilid ng mga bundok, marahil sa pamamagitan ng kamay. Ang mga palayan ay matatagpuan humigit-kumulang, isang milya sa itaas ng dagat sa Bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas. Sa kabuuan, mayroong halos 4,000 (apat na libong) milya kwadrado na kabilang dito. |
Isang sistema sa patubig ang dumadaloy sa mga ito, na nagbibigay ng tubig para sa mga gulay at palay na tinatanim pa rin doon sa ngayon. Ang pagguho ay isang problema sa mga hagdan, kaya patuloy na kinukumpuni ang mga ito. Gayunman, ang mga ito ay isang mahalagang bahagi ng pang-agrikulturang kasaysayan ng rehiyon. Ang kultura ay kalakhang nakasentro sa palay, at maraming mga pista sa rehiyon ay dedikado sa palay at lokal na kultura sa palibot nito. |
Dahil ang mga palayan ay nililok sa mga bundok 2,000 (dalawang libong) taon na ang nakalipas, ang mga ito ay nakapagbigay ng isang natatanging pamamaraan ng pagsasaka para sa mga katutubong Ifugao. Mula noong taong 2009 (Dalawang libo at siyam), ang mga palayan ay opisyal na naging tahanan ng mga organikong pananim matapos ang opisyal na kapasiyahan na nagsabing ang mga ito ay malaya sa GMO. |
Bilang karagdagan sa pagsasaka, ang turismo ay isa ding mahalagang bahagi ng ekonomiya sa palibot ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue. Syempre kasama sa mga aktibidad ang mga paglilibot sa mga hagdan at pati ang mga pagbisita sa mga katutubo na nasa ibaba ng mga hagdan. Ilang mga manlalakbay ang pumupunta doon para lang makipagkita sa isang mumbaki, na nagsasagawa ng mga ritwal na nakakagamot. Ang Hagdan-Hagdang Palayan ng Banaue ay halos kapareho ng apat na iba pang mga pangkat na matatagpuan sa ibang bahagi ng bansa. |
Comments
Hide