Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Puerto Princesa Subterranean River National Park
Ang Puerto Princesa Subterranean National Park ay nasa Isla ng Palawan sa Pilipinas sa mga Bundok ng St. Paul. Ang Look ng St. Paul ay namamalagi sa hilaga ng parke, at sa bandang silangan ito ay malapit sa Ilog ng Babuyan. Noong taong 2011(dalawang libo siyam na raan at labing isa) ang parke ay napili bilang isa sa mga lugar na nakalista sa Pitong Bagong mga Hiwaga ng Kalikasan.
Karamihan ng parke ay limestone karst, ang ilog sa ilalim ng lupa na dumadaloy sa ilalim ay lumilibot-libot sa isang kweba bago lumabas sa Timog Dagat Tsina. Ang ibabang bahagi ng ilog malapit sa bukana ay tumutugon sa paglaki (grow) ng tubig ng dagat, na ginagawa itong lalong hindi pangkaraniwan. Maraming mga estalagmita at mga estalaktita sa loob ng kuweba, gayundin ang ilang malalaking mga silid. Ang ilog ay pinaniniwalaan na siyang pinakamalaking ilog sa ilalim ng lupa sa mundo hanggang taong 2007 (dalawang libo at pito) nang ang isang bagong ilog sa ilalim ng lupa ay natuklasan sa Mehiko.
Kinilala ng UNESCO ang parke bilang isang Pangdaigdigang Pamanang Pook noong taong 1999 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t siyam) dahil sa malawak nitong biodiversity. Ang mga manlalakbay na naghahanap ng isang tanawin na kasama ang lahat mula sa mga hinterland hanggang mga bundok, tanawin sa ilalim ng lupa, at mga pandagat na lugar ay lalong magiging interesado sa pagbisita sa parkeng ito. Ang karamihan ng parke ay kagubatang lupa, at sa ngayon ang pinakamalaking grupo ng mga hayop sa loob ng parke ay mga ibon. May mahigit sa 165 (Isang daan at animnapu’t limang) iba't ibang uri ng mga ibon, hindi bababa sa 30 (tatlumpung) iba't ibang mga mamal, at halos 20 (dalawamgpung) uri ng reptilya. Isa ding kawili-wili tungkol sa parke ay ang katunayan na kabilang sa kagubatan nito ang walo sa 13 (labingtatlong) iba't ibang mga uri ng mga kagubatan ng Asya.

Comments

Hide