Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Puerto Galera
Ang Puerto Galera ay nakaupo sa timog-kanlurang bahagi ng Isla Verde Passage na humigit-kumulang 80 (walumpung) milya sa timog ng Maynila sa Isla ng Mindoro. Ito ay isa sa mga pinakakilalang destinasyon ng turista para sa scuba diving, snorkeling, at pagpunta sa dalampasigan.
Ang rehiyon ay naglalaman ng maraming maliliit na dalampasigan na nakasuksok lamang sa mga tagong lugar. Dalawa sa pinaka-popular na mga dalampasigan sa bayan ay ang White Beach at Sabang Beach. Itinalaga ng UNESCO ang lugar bilang isang Man and Biosphere Reserve noong taong 1973 (Isang libo siyam na raan at pitumpu’t tatlo)dahil sa malawak nitong magkakaibang coral reef na buhay. Ang Puerto Galera ay nasa gitna ng Ginintuang Tatsulok o Golden Triangle, na kilala sa buong mundo para sa marami nitong iba't ibang uri ng buhay pandagat.
Dahil sa pagkakaiba-iba ng buhay pandagat, ang bayan ay marahil ang pinakamainam na lokasyon para sa snorkeling. Ang pinakamainam na lugar sa pagsisid ay hindi kalayuan mula sa Sabang Beach, bagaman dapat malaman ng mga turista na ang lugar na ito ay mayroong maraming mga rip current, na nangangahulugan na pinapayuhan na kumuha ng isang may karanasang maninisid upang sumama. Sa kabuuan, ang mga bisita ay makakahanap ng higit sa 30 (tatlumpung) iba't ibang pook para sa pagsisid na malapit sa Sabang Beach. Lahat ng mga lokasyong ito ay ibinibigay ang perpektong lugar upang makita ang maraming mga uri ng buhay sa ilalim ng tubig na hindi nila magagawang makita sa iba pang mga lugar ng mundo. Ang isdang-bituin ay laganap dito, gayundin ang mga sea anemone at maraming mga uri ng hindi pangkaraniwang isda, tulad ng isdang-palaka, isdang-dahon, at isdang-leon.
Bilang karagdagan sa mga aktibidad sa tubig, marami ding maaaring gawin sa lupa. Ito ay isang mahusay na lugar para sa kamping, hiking, pag-akyat sa bato, at pagmomotorsiklo. Mayroon ring isang kahindik-hindik na golf course, malapit sa White Beach na karapat-dapat tingnan.

Comments

Hide