Maynila - Sa mga Kuko ng Liwanag |
Ang pelikulang Pilipino na Maynila - Sa mga Kuko ng Liwanag ay ipinalabas noong taong 1974 (Isang libo siyam na raan at pitumpu’t apat). Dinerek ni Lino Brocka ang pelikula, na binase sa libro ng kaparehong pangalan na isinulat ni Edgardo M. Reyes. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Bembol Roco, Lou Salvador Jr., Tommy Abuel, at Hilda Koronel. Itinuturing ito ng maraming mga Pilipino na isang klasiko. Kahit na nagkaroon ang pelikula ng pambihirang mababang badyet, mahusay itong tinanggap ng mga manonood sa buong mundo, at naniniwala ang ilang mangingibig ng pelikula na ito marahil ang pinakamahusay na pelikula sa kasaysayan ng Pilipino. |
Nag-umpisa ang pelikula sa pagdating ni Julio sa Maynila. Nag-umpisa siya sa pagtatrabaho sa konstruksyon, ngunit hindi siya sanay sa mabigat na manu-manong trabaho, at siya’y nahirapan. Sa paglipas ng panahon unti-unti siyang nakibagay sa kanyang bagong pamumuhay. Habang papalapit na ang katapusan ng proyekto sa konstruksyon na kanilang tinatrabaho, tinanggal sa trabaho si Julio. Kalaunan nalaman natin na pumunta pala siya sa Maynila matapos hikayatin ang kanyang kasintahan ng isang may-ari ng bahay-aliwan upang magtrabaho bilang isang tagapagbigay ng aliw sa lungsod. Napilitan itong kunin ang trabaho dahil makatutulong ito sa pinansyal na kalagayan ng kanyang pamilya. |
Sa paglaon ng mga mga taon, sa wakas nakasama niyang muli ang kanyang kasintahan. Pagkatapos nilang magpalipas ng isang gabi na magkasama, nadiskubre niya na nilinlang ang kanyang kasintahan sa pagiging bahagi ng isang malaking pangkat sa prostitusyon na pinapatakbo ng isang negosyante. Sa oras na ito, siya rin ang ina ng anak ng negosyante. Nagkasundo ang dalawa na tumakas ng magkasama, ngunit pinatay ang kanyang kasintahan kinagabihan bago siya makawala upang makipagkita sa kanya. Nagtapos ang pelikula nang atakihin si Julio ng isang grupo matapos niyang saksakin hanggang sa mamatay ang negosyante dahil sa paghihiganti. |
Comments
Hide