Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Oro, Plata, Mata
Ang pelikulang Pilipino na Oro, Plata, Mata ay ipinalabas noong taong 1982 (Isang libo siyam na raan at walumpu’t dalawa), at itinuturing ito ng maraming Pilipino na isa sa mga pinakamahalagang pelikula sa kanilang kasaysayan. Dinirek ni Peque Gallaga ang pelikula, na itinakda sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Probinsya ng Negros. Nagsiganap sa pelikula sina Liza Lorena, Sandy Andolong, at Manny Ojeda. Nakatutok ang balangkas ng pelikula sa dalawang pamilya at kung paano nila nagawang kayanin ang lahat ng mga pagbabago na nangyari pagkatapos magwakas ang digmaan.
Ang dalawang pamilya na may-kinalaman sa kwento ay ang mga Ojeda at ang mga Lorenzo. Medyo mayaman ang dalawang pamilya at nakatira sa lungsod, ngunit nang umabot ang digmaan sa kanilang lungsod, nagpasya silang lumipat sa probinsya para sa kaligtasan. Ang mga Lorenzo ay nagmamay-ari ng isa pang bahay sa probinsya, at inanyayahan nila ang mga Ojeda na sumama sa kanila. Sa buong takbo ng pelikula, maraming mga kaganapan ang nangyayari habang patuloy na nagbabago ang kanilang mga buhay, at kalaunan nagsisimula ng lumapit ang labanan sa bahay kung saan sila naninirahan sa probinsya. Nagpasya silang lumipat muli, ngayon naman sa isang tirahan sa kagubatan na pagmamay-ari din ng mga Lorenzo.
Pagkatapos isang grupo ng mga gerilya ang dumating sa tirahan sa kagubatan, at inalagaan nila ang mga sugat ng mga ito. Sapilitang pinaalis ang isa sa mga katulong matapos niyang nakawin ang ilang alahas na pag-aari ng isa sa mga dalaga. Tinipon ng katulong ang isang grupo ng mga tulisan at nagbalik pagkatapos, at pinatay ang lahat ng iba pang mga katulong. Pumayag ang isa sa mga dalaga na umalis kasama ng mga tulisan, na nagresulta sa pag-alis ng isa sa mga lalaki upang bawiin siya. Isa pang katuwaang pagpatay ang sumunod, ngayon naman sa kuta ng mga tulisan. Kalaunan nagtapos ang digmaan, at lahat ng mga natitirang buhay na myembro ng mga mayayamang pamilya ay sinubukang ibalik ang buhay na mayroon sila dati, ngunit hindi nila magawa ito dahil labis silang binago ng kanilang mga karanasan.

Comments

Hide