Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Sa Pusod ng Dagat
Ang pelikulang Pilipino na Sa Pusod ng Dagat, na humigit-kumulang maisasalin sa Ingles bilang “In the Navel of the Sea”, ay pinagbibidahan nina Elizabeth Oropesa, Chin Chin Gutierrez, at Jomari Yllana. Dinerek ni Marilou Diaz-Abaya ang pelikula noong taong 1998 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t walo), na nakatanggap ng maraming mga gantimpala at mga parangal sa buong mundo.
Itinakda ang pelikula sa isang malayong isla noong de kada sikwenta, at si Pepito, na ginampanan ni Yllana, ay pinag-aaralan ang hanapbuhay ng kanyang ina. Ang ina ng batang lalaki ay ginampanan ni Oropesa, at siya ang tanging komadrona sa komunidad. Habang bata pa lang siya, ikinatutuwa niya ang pag-aaral ng hanapbuhay ng kanyang ina, ngunit habang tumatanda siya, mas sumasalungat na siya dahil naging tradisyonal na papel ng isang babae na tulungang manganak ang iba pang babae. Gayunpaman, sinasabi din sa tradisyon na ang papel ng komadrona ay ipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa isa pang henerasyon, at si Pepito ay ang nag-iisang anak.
Sa pagpapatuloy ng takbo ng pelikula, ang ina ni Pepito, isang byuda, ay nabuntis ng isang lalaki na naging matalik na kaibigan ng kanyang asawa, na nagkataong may asawa na. Sinubukan niyang ipalaglag ang bata dahil magdadala ito ng labis na kahihiyan sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa kanyang anak na si Pepito. Walang kabuluhan ang lahat ng kanyang pagtatangka sa pagpapalaglag, gayunman, kaya naman humantong siya sa pagpatay sa sarili upang iligtas sa kahihiyan ang kanyang anak sa pagkakaroon ng kapatid na putok sa buho.
Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ina, si Pepito ay kalaunan nahulog sa pag-ibig sa isang guro, na may asawa na din. Syempre ang ibig sabihin nito hindi maaaring magtagal ang relasyon na iyon, ngunit sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan sa relasyong iyon at iba pang mga pangyayari sa pelikula, kalaunan ay hinarap niya at tinanggap ang kanyang papel bilang "komadrona" ng komunidad.

Comments

Hide