Jose Rizal |
Ang pelikulang Jose Rizal noong taong 1998 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t walo) ay isang talambuhay ng minamahal na Pilipinong lider at pambansang bayani. Ginampanan ni Cesar Montano ang papel ni Rizal, at nagsiganap din sina Jaime Fabregas at Joel Torre sa pelikula. Dinerek ni Marilou Diaz-Abaya ang pelikula. |
Magbubukas ang pelikula habang hinihintay ni Rizal ang kanyang paglilitis tungkol sa mga paratang sa pagtataksil. Nakipagkita siya sa kanyang abogado na itinalaga ng gobyerno, na ginampanan ni Fabregas. Pagkatapos sinimulan nila ang pagbuo ng kanilang kaso, at nakita natin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal bago siya ibinilanggo. Habang nalalaman niya ang kwento, nagsimulang mapagtanto ng abogado ni Rizal na inosente talaga siya at tulad lang rin siya ng kahit sino pang ordinaryong Pilipino. |
Nagsimula ang paglilitis sa oras na iyon, at inumpisahan ng abogado ni Rizal ang pagtatanggol sa kanya. Nang ilagay si Rizal sa tuntungan, nagbigay siya ng isang talumpati na hindi lamang nagtatanggol, ngunit pumupukaw rin sa kanyang mga kapwa Pilipino. Sa takbo ng paglilitis, nakita rin natin ang mga Kastila habang gumagawa sila ng paraan upang masiguro na siya'y mapatunayang nagkasala. Kalaunan iniutos ng mga Kastila at ni Padre Rodriguez na patayin si Rizal, at pagkatapos ang mga miyembro ng Katipunan, isang rebolusyonaryong kilusan na aktibo sa panahong iyon, ay nag-alsa upang atakihin ang mga taong hinatulan sa kamatayan si Rizal matapos ang kanyang pampublikong eksekyusyon sa pamamagitan ng firing squad. |
Nakatanggap ang Jose Rizal ng maraming gantimpala, at nakuha ang karamihan, kung hindi lahat ng mga gantimpala sa taong 1998 (Isang libo siyam na raan ay siyamnapu’t walo) sa Metro Manila Film Festival. Nanalo rin ito ng maraming gantimpala noong taong1999 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t siyam) sa FAMAS Awards at Gawad Urian Awards. Sa kabuuan, humakot ang pelikula ng humigit-kumulang 40 (apatnapung) gantimpala sa loob ng dalawang taon. |
Comments
Hide