Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Muro Ami
Ang Muro Ami ay isang pelikulang Pilipino na nakatutok sa pagtatrabaho ng mga bata sa industriya ng pangingisda sa Pilipinas. Dinerek ni Marilou Diaz–Abaya ang pelikula, na pinagbibidahan nina Cesar Montano, Jhong Hilario, at Pen Medina.
Noong taong 1999 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t siyam) ipinalabas ang pelikulang Muro Ami, ginampanan ni Montano ang papel ni Fredo, isang malupit na kapitan na namamahala sa 150 (isang daan at limapung) maninisid na nagsasanay ng muro ami, isang pamamaraan ng pangingisda . Isa itong anyo ng iligal na pangingisda na karaniwan sa Pilipinas. Laganap din sa ganitong industriya ang mapanganib na pagtatrabaho ng mga bata. Ang uri ng pangingisdang ito ay hinihingi sa mga maninisid na pumupunta sa ilalim ng tubig na pukpukin ang mga coral reef, nang sa gayon ay takutin ang mga isdang nagtatago sa loob ng mga ito at pumunta sa naghihintay na mga lambat.
Mga bata ang karamihan sa mga maninisid ni Fredo, at mayroon siyang sobrang taas na kota na kailangang makamit bago matapos ang milenyo. Hinihingi niya sa kanyang mga maninisid na sumisid ng hindi bababa sa walong beses sa isang araw. Bilang karagdagan sa mapanganib na trabaho, kailangang tumira ng mga maninisid sa kanyang bangka na “The Aurora”, na nag-aalok ng napakaruming kondisyon ng pamumuhay, kabilang ang mga tulugan na pinamumugaran ng mga daga. Nakakatanggap ng pagkain ang mga maninisid ng dalawang beses lang sa isang araw. Sobrang sama ng mga kondisyon sa loob ng bangka, gayunpaman, mukhang pinipili ng mga bata ang pagsisid sa ilalim ng tubig upang lumayo mula dito, bagaman nagpapakita ang bawat pagsisid ng mas maraming panganib para sa kanila.
Ngunit higit pa sa isang malupit na kapitan ang katauhan ni Fredo. Galit din siya dahil namatay ang kanyang asawa at anak sa isang aksidente sa pamamangka. Nakikita ni Fredo ang pinsala na naidudulot niya at ng kanyang mga maninisid sa mga reef bilang isang uri ng paghihiganti para sa pagkamatay ng kanyang pamilya.

Comments

Hide