Mga Munting Tinig |
Ang Mga Munting Tinig, na humigit-kumulang maisasalin sa Ingles bilang “Small Voices” ay isang sikat na pelikula mula sa Pilipinas. Ang pelikula ang nag-iisang pelikulang Pilipino na inilabas ng Warner Bros. Pictures. Si Gil Portes ang nagdirek ng pelikula, na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi, Gina Alajar, at Dexter Doria. |
Nakatutok ang balangkas sa isang kapalit na guro na kararating lang sa bago niyang paaralan, na matatagpuan sa baryo. Si Melinda, na ginampanan ni Alessandra de Rossi, ay nagtapos mula sa unibersidad. Matalino at puno ng mga ideya. Bagaman ninanais nang kanyang pamilya na maghanap siya ng trabaho sa ibang bansa, sa halip pinili niyang kunin ang trabaho sa pampublikong paaralan na matatagpuan sa probinsya. Mayroon itong kakaunting pondo, at ang mga kawani ay tiwali. Matatagpuan rin ang paaralan sa isang lugar na hinahagupit ng mga malalakas na ulan sa panahon ng tag-ulan at tahanan din sa isang sangay ng Bagong Hukbong Bayan (New People’s Army). |
Dahil sa lahat ng mga sirkumstansya sa paaralan, nawawalan ng pag-asa ang mga pumapasok na estudyante. Wala silang pakialam sa kanilang pag-aaral at nagpapakita ng isang kapaligiran na walang interes sa edukasyon. Tinangka ni Melinda na buhayin ang mga estudyante sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kanilang interes sa musika, at isinali niya ang mga ito sa isang paligsahan para sa mga koro. Sa kabila ng lahat ng mga balakid sa tagumpay, kabilang ang pagkamatay ng isang miyembro ng koro at pagtutol mula sa mga kawani ng paaralan at mga magulang ng mga estudyante, nagawa ni Melinda na maghatid ng kaunting pag-asa sa mga nababalisang estudyante sa paaralan. |
Comments
Hide