Dayo - Sa Mundo ng Elementalia |
Ang Dayo - Sa Mundo ng Elementalia, na humigit-kumulang maisasalin sa Ingles bilang "The Wanderer in the Land of Elementalia", ay ang unang ganap na digital, full-length animated na pelikulang inilibas sa Pilipinas. Dinerek ni Robert Quilao ang pelikula, na itinatampok ang mga talento sa boses nila Nash Aguas, Michael V., at Katrina Michelle Legaspi. |
Ang makabagbag-dadaming pelikulang ito ay tungkol sa isang batang lalaki na may lolo at lola na dinukot at dinala sa Elementalia, isang kakaibang lupain kung saan nakatira ang maraming kakaibang mga nilalang mula sa mitolohiyang Pilipino. Nangyari ang pagdukot matapos pilitin ng mga maton sa eskwelahan ang batang lalaki na sunugin ang isang puno sa gitna ng kagubatan. Nang sunugin niya ang puno, nagalit ang mga espiritu na naninirahan sa loob nito, kaya kinuha nila ang lolo at lola niya dahil sa paghihiganti. |
Sa panahon ng kanyang paghahanap upang iligtas ang kanyang lolo at lola, nakasalubong ng labing-isang taong gulang na batang lalaki ang mga kilala at tradisyunal na masasamang mga nilalang tulad ng aswang, manananggal, at ang kapre. Gayunpaman, sa takbo ng pelikula, nakita natin ang madalas na mas palakaibigang bahagi ng marami sa mga masasamang mitolohikal na nilalang na ito na napaka-karaniwan sa mga Pilipinong alamat. Marami sa mga nilalang na iyon ay hinalaw mula sa librong Creatures of Philippine Lower Mythology ni Maximo Ramos. |
Nakatanggap ng maraming mga parangal ang Dayo - Sa Mundo ng Elementalia; isa ito sa walong pelikula na ipinalabas noong taong 2008 (Dalawang libo at walo) sa Metro Manila Film Festival. Ang pelikula rin ang unang pelikula ng ganitong uri na ipinalabas sa paligsahan ng pelikula na iyon sa kasaysayan nito. Nanalo ng apat na gantimpala ang pelikula sa Metro Manila festival. Sa kabuuan, nakatanggap ang pelikula ng anim na iba’t ibang gantimpala at dalawang nominasyon noong taong 2008 (Dalwang libo at walo) at taong 2009 (Dalawang libo at siyam). Lalong kilala ang pelikula para sa visual effects at soundtrack nito. |
Comments
Hide