Kubrador |
Ang pelikulang Kubrador noong taong 2006 (Dalawang libo at anim) ay tungkol sa isang iligal na sugal na karaniwang nilalaro sa Pilipinas. Si Jeffrey Jeturian ang nagdirek ng pelikula, na pinagbibidahan nina Fonz Deza, Nanding Josef, at Gina Pareño. |
Si Amy, na ginampanan ni Gina Pareño, ay isang matandang kubrador. Lagpas sa dalawang dekada na niya iyong ginagawa at patuloy niya itong ginagawa sa kabila ng mga pagtatangka ng gobyerno na supilin ang iligal na sugal. Ginugugol niya ang kanyang maghapon sa pag-iikot sa bawat naghihirap na purok, na tahanan sa maraming mga iskwater at mga pansamantalang maninirahan, at nangongolekta ng mga taya mula sa parehong mga tao araw-araw. Bumabangon rin araw-araw ang kanyang asawa, at nagpapatakbo ng isang maliit na sari-sari store upang magdala rin ng kaunting kita para sa mag-asawa. Matatanda na ang kanilang mga anak at nagsisipagpatuloy sa kanilang mga buhay. |
Ilang araw lang bago ang Araw ng mga Patay, dinakip si Amy ng isang pulis at ikinulong siya kasama ng iba pang kubrador sa komunidad. Kalaunan dumating ang kanilang kabo o handler upang piyansahan sila. Sa sumunod na araw, balik na naman sa mga kalasada si Amy, at nangongolekta na ulit ng mga taya. Sa kanyang pag-iikot, nakasalubong niya ang isang pari na hiniling sa kanya na mangolekta ng mga donasyon para sa pamilya ng isang bata na namatay biglaan sa isang aksidente. Sa katapusan ng kanyang pag-iikot, pumunta si Amy sa kanyang kabo upang ipasok ang mga taya, at nakalimutang ibigay sa kanya ng kanyang asawa ang isa sa mga taya ng kanilang kapit-bahay na iipasok. Panalo ang tayang iyon, at kinailangang bumalik ni Amy sa kanyang kabo upang humiram ng pera para bayaran ang kapit-bahay sapagkat hindi nila ito naipasok bago ang bolahan. |
Sa Araw ng mga Patay, pumunta sila sa sementeryo kung saan nakalibing ang isa sa kanilang mga anak na lalaki. Habang naglalakad sila sa sementeryo, mayroong isang aksidente ng kotse, at humantong sa pagbaril ng isa sa mga drayber sa isa pang drayber, at nagtapos ang pelikula. |
Comments
Hide