Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Tribu
Ang pelikulang Tribu noong taong 2007 (Dalawang libo at pito), o Tribe sa Ingles, ay isang dramang krimen na isinapelikula sa Pilipinas. Ang gumawa ng pelikula ay kumuha ng mga tunay na miyembro ng gang sa kwentong ito na tungkol sa buhay sa kaloob-loobang lungsod ng Maynila. Isinulat at dinerek ni Jim Libiran ang pelikula, na pinagbibidahan nina Honey Concepcion, Karl Eigger Balingit, at Havy Bagatsing.
Itinakda ang pelikula sa kasalukuyan, at ang pangunahing pokus ng pelikula ay si Ebet, isang sampung taong gulang na batang lalaki na isang saksi sa marahas na mga buhay ng mga miyembro ng gang na nakatira sa kanyang purok. Pinapanood niya ang tanikala ng mga pangyayari na nagsimula sa pagpatay ng isang miyembro ng Sacred Brown Tribe. Inaresto ang ilan sa mga miyembro ng Thugz Angels gang dahil sa krimen matapos nilang matagpuan ang katawan, ngunit kinalaunan, nalaman sa madaling panahon ng Sacred Brown Tribe na ang mga miyembro ng Diablos gang ang talagang responsable para sa kamatayan ng kanilang kamiyembro. Nakipagka-isa sila sa mga Thugz Angels sa isang pagtatangka na gumanti sa Diablos gang para sa pagpatay.
Nanalo ang Tribu ng maraming gantimpala at parangal at pinuri ng mga kritiko. Nanalo ng anim na gantimpala ang pelikula at nahirang para sa 17 (labimpitong) gantimapala. Nakatanggap din ito ng isang prominenteng gantimpala sa Festival Paris Cinema awards – isang mahalagang karangalan dahil hanggang sa ngayon, ito ang tanging pelikula na hindi nilikha sa Europa na nanalo ng gantimpalang ito. Kabilang sa iba pang mga pangunahing panalo ang Pinakamahusay na Pangkat sa Cinemanila International Film Festival at ang Mga Tropeyo ng Balanghai para sa Pinakamahusay na Aktor, Pinakamahusay na Pelikula, at Pinakamahusay na Tunog sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Comments

Hide