Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Rodel Tapaya
Ang Pilipinong alagad ng sining na si Rodel Tapaya ay ipinanganak noong taong 1980 (Isang libo siyam na raan at walumpu) sa Montalban. Kilala siya sa malawak na mga uri ng sining, bagaman karaniwang kasama ang pagpipinta sa ilang paraan. Nakagawa siya ng mga canvas gamit ang pinturang acrylic, under-glass painting, diorama at pati na rin ang pagguhit. Sa ngayon si Tapaya ay isa sa pinaka-malikhaing alagad ng sining sa timog-silangang bahagi ng Asya. Idinaos ang kanyang mga eksibisyon sa Tsina at Singapore bilang karagdagan sa kanyang lupang tinubuan na Pilipinas. Nanalo din siya ng napakaraming gantimpala, isa na roon ay para sa kanyang gawa na nakakuha ng pansin sa mundo ng sining. Pagkatapos mapanalunan ang pinagnanasaang premyo ng Nokia Art Awards, nagawa niyang ipagpatuloy ang kanyang edukasyon sa sining sa Parsons School of Design ng New York at sa Unibersidad ng Helsinki ng Finland bago ang kanyang pagtatapos mula sa Unibersidad ng Pilipinas.
Madalas ginagamit ni Tapaya ang mga kwentong bayan bilang pansala sa lahat ng kanyang nakikita sa mundo. Tinatala niya ang kanyang mga obserbasyon gamit ang pansala upang lumikha ng mga likhang-sining kung saan siya’y kilala sa buong mundo. Ang kanyang mga gawa ay madalas na kakaiba, at ang mga ito'y lubhang malinaw na nagpapakita ng pagtukoy sa isang tiyak na panahon at lugar sa nakaraan. Patuloy siyang nagpapakahulugan at nag-iimbento muli ng mito sa pamamagitan ng kanyang mga pinta, at ang kanyang pokus ay laging sa pagpipinta ng isang kwento. Ang pantasya ay isang ring elemento sa kanyang gawa dahil tila malinaw sa pagtingin sa mga piraso na hindi naman talaga kabilang ang mga ito sa kasalukuyan o sa nakaraan. Tila parehong katotohanan at kathang-isip ang mga ito sa parehong panahon.

Comments

Hide