Ang Kiukok |
Ipinanganak ang Pilipinong alagad ng sining na si Ang Kiukok noong 1931(Isang libo siyam na raan at tatlumpu’t isa) sa Lungsod ng Davao. Ang kanyang mga magulang ay mga dayuhang Instik. Sinimulan niya ang pag-aaral ng sining sa Unibersidad ng Santo Tomas, natuto mula sa ilang napaka-sikat na maestro ng Pilipinong sining. Isa si Vicente Manansala sa mga maestrong iyon, at siya'y naging isang tagapayo kay Kiukok. |
Si Kiukok ay marahil pinaka-kilala para sa katangi-tanging istilo na kanyang pinaunlad sa panahon ng dekada sesenta. Ipinagsama niya ang ekspresyonismo, kubismo, at surealismo sa isang istilo, na tinutukoy ng marami bilang "figurative expressionism" o "matalinhagang ekspresyonismo". Gayunpaman, isang bagay ang masyadong halata para sa lahat ng tao na tumingin sa kanyang mga pinta, at iyon ay ang marahas na paksa na naging sentro ng interes doon. Kabilang sa mga karaniwang paksa ng mga pinta ni Kiukok ang mga naglalaban na tandang at mga nakakadenang tao. Ang mga pinta niya ng pagpako sa krus kay Kristo ay walang pinanghahawakan kung hindi mga paghihingalo na sa malamang ay tiniis ni Kristo habang siya’y namamatay sa krus. Ang pinaka-nakapangingilabot na mga pinta sa karera ni Kiukok ay ginawa habang nasa kapangyarihan si Ferdinand Marcos. Si Marcos ay isang Pilipinong diktador na ang panahon sa kapangyarihan ay nadungisan ng maraming kasamaan sa karapatang sibil. Nang tanungin tungkol sa kung bakit napakadilim at nakapangingilabot ang kanyang mga pinta at kung bakit mukha siyang galit sa halos lahat ng oras, tumugon lamang siya ng, "Bakit hindi? Buksan mo ang iyong mga mata.Tumingin ka sa iyong paligid. Napakaraming galit, pagsisisi, kapangitan.At kahabingan din.” |
Sa paglaon ng kanyang karera, nagmukhang gumaan ang mga paksa ni Kiukok, ngunit isang itsura lamang iyon. Bagaman lumipat siya sa paglalarawan ng mga imahe tulad ng mga payaso, ito ang paraan niya ng pagpuna sa lipunan sa kabuuan. Tila parang nakita niya ang karamihan ng mga tao sa lipunan bilang mga hangal na tumalima lamang sa buhay. |
Comments
Hide