Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Jose T. Joya
Natanggap ni Jose Joya ang parangal para sa Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas noong taong 2003 (Dalawang libo at tatlo) para sa kanyang gawa sa sining biswal. Isa siya sa mga pinaka-maimpluwensyang abstraktong alagad ng sining sa kasalukuyang panahon.
Ipinanganak si Joya noong taong1931 (Isang libo at siyam na raan at tatlumpu’t isa) sa Maynila at nagsimulang maging interesado sa sining sa edad na 11(labing-isa). Nagsimula siya bilang isang “sketch artist” habang bata siya, at gusto niyang maging isang arkitekto. Gayunpaman, ang napakaraming agham at matematika na kinakailangan ng mga arkitekto sa paaralan ang nagtulak sa kanya na huwag magpatuloy ng karera sa arkitektura. Nakatanggap siya ng scholarship upang pumasok sa Kolehiyo ng Pinong Sining sa Unibersidad ng Pilipinas, at doon siya sumailalim sa impluwensya ng mga traditionalist tulad nila Ireneo Miranda at Guillermo Tolentino. Noong taong 1953 (Isang libo siyam na raan at limampu) siya ang naging pinaka-unang magna cum laude na nagtapos mula sa unibersidad nang makuha niya ang kanyang Batsilyer na Digri. Pagkatapos pumunta siya sa Madrid kung saan binigyan siya ng gobyernong Español ng kaloob para ipagpatuloy ang kanyang mga pansining na pag-aaral bago ipagpatuloy na kunin ang kanyang Master na Digri mula sa Cranbrook Academy of Art ng Michigan.
Nagsilbi si Joya bilang pangulo ng Philippines Art Association simula noong taong 1962 (Isang libo siyam na raan at animnapu’t dalawa) hanggang taong 1965 (Isang libo siyam na raan at animnapu’t lima). Siya rin ay dekana ng Kolehiyo ng Pinong Sining sa Unibersidad ng Pilipinas mula taong 1970 (Isang libo siyam na raan at pitumpu) hanggang taong 1978 (Isang libo siyam na raan at pitumpu’t walo). Bilang karagdagan, siya ang pinuno ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at gayundin ng Komite ng Sining sa Sining Biswal simula taong 1987 (Isang libo siyam na raan at walumpu’t pito) hanggang sa namatay siya noong taong 1995 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t lima). Nanalo si Joya ng nakaparaming gantimpala, kabilang na ang Gawad CCP para sa Sining, na iginawad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Comments

Hide