Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Napoleon Abueva
Si Napoleon Abueva ay ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Iskultura sa Pilipinas at tinutukoy ng marami bilang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong taong 1930(Isang libo siyam na raan at tatlumpu), at ang kanyang ama ay isang kongresista at ang kanyang ina ay ang pangulo ng Pantulong Serbisyo ng Kababaihan. Ang kanyang ama ay isa ding napakalapit na kaibigan kay Manuel Roxas, isang dating pangulo ng Pilipinas.
Bilang karagdagan sa pagiging mahahalagang mga lider sa loob ng gobyernong Pilipino, ang kanyang mga magulang ay mga miyembro din ng palihim na kilusan sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inaresto ng mga Hapon ang kanyang mga magulang at sila'y pinahirapan at pinatay sa panahon ng digmaan habang si Abueva ay isa pang bata. Si Abueva mismo ay itinali na parang isang hayop at pagkatapos ay pinahirapan ng higit sa pitong araw sa panahon ng digmaan. Lumilitaw pa rin ang mga pasa higit sa isang linggo matapos sa wakas siyang pakawalan mula sa kustodiya. Sa panahon ng kanyang paghihirap, 14 (labingapat) na taong gulang lamang siya.
Isa sa mga pinakaunang karangalan ni Abueva ay ang pagkapanalo ng Pura Villanueva-Kalaw Scholarship, na nagpahintulot sa kanya para pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas upang makuha ang kanyang digri sa sining. Isang taon matapos makuha ang digring iyon, napanalunan niya ang isang Fulbright-Smith Mundt Scholarship at pagkatapos isa pang scholarship para pumasok sa Unibersidad ng Kansas. Subalit isa pang scholarship ang nagpahintulot din sa kanya na pumasok sa Unibersidad ng Harvard.
Itinuturing si Abueva ng maraming mananalaysay ng sining bilang isa sa mga pinaka-maimpluwensya at mahalagang tao sa iskulturang Pilipino. Ginamit niya ang maraming iba't ibang uri ng materyales para sa kanyang gawa, kabilang ang lahat mula sa mga matitigas na kahoy hanggang coral. Bilang karagdagan sa kanyang sining, nagpatuloy din siya upang magturo ng disenyong pang-industriya, na ginawa niya hanggang sa siya'y nagka-stroke. Nabubuhay pa rin siya sa kasalukuyan.

Comments

Hide