Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Cesar Legaspi
Ipinanganak ang Pilipinong alagad ng sining na si Cesar Legaspi sa Maynila noong taong 1917 (Isang libo siyam na raan at labimpito). Nakatanggap siya ng parangal para sa Pilipinong Pambansang Alagad ng Sining para sa kanyang mga pinta noong taong 1990 (Isang libo siyam na raan siyamnapu). Si Legaspi ay marahil pinaka-kilala para sa kanyang gawa na naglalarawan ng pighating naramdaman ng mga mas mababang klase ng manggagawa sa Maynila
Nagsimula si Legaspi sa pag-aaral ng pagpipinta sa Unibersidad ng Pilipinas, bagaman pagkatapos ng isang semestro, nag-drop out siya ng unibersidad upang kumuha ng komersyal na mga klase sa halip. Sa mga komersyal na mga kursong ito siya nagsimulang makatanggap ng pagkilala dahil sa kanyang gawa, kabilang ang ilang medalya para sa kanyang mga larawang-guhit at gayundin ang mga pyesa ng perspektibo. Noong taong 1936 (Isang libo siyam na raan at tatlumpu’t anim) natanggap niya ang kanyang Sertipiko ng Kasanayan, at pagkatapos ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng sining sa ilalim ng kilalang alagad ng sining na si Pablo Amorsolo bago umalis para mag-aral sa Madrid sa pamamagitan ng isang scholarship. Nag-aral din siya sa Academie Ranson sa Paris sa ilalim ng sikat na alagad ng sining na si Henri Goetz bago bumalik sa kanyang inang-bayan. Ang una niyang solo na eksibisyon ay noong taong 1963 (Isang libo siyam na raan at animnapu’t tatlo) sa Galerya Luz, at nagsimula siyang maglabas ng ilan sa kanyang mga pangunahing gawa ilang sandali pagkatapos. Samantala nagtatrabaho din siya bilang isang ilustrador para sa isang magasin. Isa din siyang direktor ng sining sa isang lokal na ahensya sa pag-aanunsyo hanggang taong 1968 (Isang libo siyam na raan at animnapu’t walo) nang siya'y magbitiw sa tungkulin sa gayon ay makatutok siya ng lubusan sa kanyang sining.
Pagkatapos iwan ang industriya ng pag-aanunsyo, nagsimula si Legaspi na magdaos ng mga eksibisyon sa buong mundo. Pinanghahawakan din niya ang karangalan ng pagdaraos ng limang retrospektibong eksibisyon sa iba't ibang lugar. Isa din siyang napaka-aktibong myembro ng Philippines Art Association at ang lider ng Saturday Group of Artists simula noong taong 1978 (Isang libo siyam na raan at pitumpu’t walo) hanggang sa namatay siya noong taong 1994 (Isang libo siyam na raan at siyamnapu’t apat).

Comments

Hide