Dialogue - Filipino

Hide

Vocabulary (Review)

Hide
atoll atoll
biosphere biosphere
birhen virgin
delta delta
mababang burol foothill
pulo isle
karst karst
malayo sa aplaya inland

Lesson Notes

Hide

Cultural Insights

Did you know?


Noong 1930s, ang pinakamalaking perlas na natuklasan kailanman ay natagpuan sa mga karagatan sa dalampasigan ng Palawan. Ang Perlas ni Lao Tzu ay dinala sa Estados Unidos ni Wilburn Cobb, na tinangkang bilhin ang perlas mula sa isang pinuno ng tribo sa Pilipinas. Matapos niyang iligtas ang anak na lalaki ng pinuno, na nagkaroon ng malarya, ibinigay ito sa kanya ng pinuno bilang isang regalo. Ang perlas ay hindi kasing kalidad ng hiyas, ngunit ito ang tinatawag ng mga gemologist na isang kabibeng perlas. Ang perlas ay iniuugnay sa isang alamat na Intsik na kinasasangkutan ng isang tagasunod ni Lao Tzu, isang maalamat na pantas, higit sa 2,500 taon na ang nakalipas. Ipinapalagay na ang perlas ay nailipat mula sa isang kabibe papunta sa iba pang kabibe sa loob ng libu-libong taon, na lumaki ng lumaki sa paglipas ng panahon.

 

 


In the 1930s, the largest pearl ever discovered was found in the oceans off the coast of Palawan. The Pearl of Lao Tzu was brought to the U.S. by Wilburn Cobb, who attempted to buy the pearl from a tribal chief in the Philippines. After he saved the chief's son, who had malaria, the chief gave it to him as a gift. The pearl is not of gem quality, but it is what gemologists call a clam pearl. The pearl has been linked to a Chinese legend involving a follower of Lao Tzu, the legendary sage, over 2,500 years ago. Supposedly the pearl had been transferred from one clam to another over thousands of years, getting larger and larger over time.

 

Lesson Transcript

Hide
Palawan
Ang Palawan ay kapwa isang isla at isang lalawigan sa Pilipinas. Kasama sa lalawigan ang Isla ng Palawan at ilang mas maliliit na mga pulo. Ang rehiyon ay lubhang popular sa mga turista dahil sa mga maputi at mabuhangin nitong mga dalampasigan at mabatong makikipot na look. Marami ding maaaring tuklasin malayo sa aplaya, kasama na ang ilang mga birheng kagubatan, mga bundok, mga mababang burol, mga kapatagan, at mga delta. Pinangalanan ng National Geographic Traveler bilang pinakamahusay na islang destinasyon ng Silangan at Timog-silangang Asya noong taong 2007(dalawang libo at pito), gayundin bilang isa sa ikalabintatlong pinakamahusay na mga isla sa mundo. Sa unang bahagi ng taong 1990 (isang libo siyam na raan at siyamnapu), ang isla ay nabigyan ng katayuan na Biosphere Reserve dahil naglalaman ito ng pinaka-magkakaibang populasyon ng mga uri ng hayop sa bansa.
Bukod sa magagandang mga dalampasigan, ang mga bisita sa Palawan ay may maraming iba pang mga lugar para tuklasin. Ang Calauit Game Preserve ay isang lugar upang pumunta para makakita ng ilan sa mga kakaiba at papawalang mga hayop ng Aprika at gayundin mismo ang Palawan. Ang Coron Reefs ay nagbibigay ng isang nakamangmanghang destinasyon para sa mga maninisid, at ang Reserbang Pandagat ng El Nido ay kasama ang ilang mga hardin ng higanteng kabibe. Pinangalanan ng UNESCO ang dalawang lokasyon sa Palawan sa listahan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook. Ang mga pook na ito ay ang Puerto Princesa Subterranean National Park at ang Tubbataha Reef Marine Park. Ang nauna ay isang ilog sa ilalim ng lupa sa isang napakalaking lugar ng limestone karst. Ang ikalawa ay isang atoll reef na siksik sa iba't ibang uri ng mga hayop ng karagatan. Isa pang lugar ng pansin para sa mga nagmamahal sa kalikasan ay ang Isla ng Ursula, na isang santuwaryo ng ibon at kanlungan ng mga maiilap na hayop.