Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Metro Naga
Ang Metro Naga ay binubuo ng labingapat na munisipalidad na matatagpuan sa paligid ng Lungsod ng Naga sa lalawigan ng Camarines Sur sa Pilipinas. Di tulad ng ibang mga kalakhang lugar sa Pilipinas, ang metro Naga ay isang hindi opisyal na titulo na kabilang ang Naga at ang lugar sa paligid nito. Ang Metro Manila at iba pang kaparehong mga rehiyon sa Pilipinas ay mas maayos ang pagpapakahulugan kung ano nga ba ang isang metropolitan area.
Ang Lungsod ng Naga ay matatagpuan sa Ilog ng Naga, at ito'y naging mahalagang lungsod para maraming siglo. Sa ngayon, may 19 na mga unibersidad na matatagpuan dito, ginagawa itong isang pangunahing sentro ng edukasyon sa rehiyon. Dahil sa malaking bilang ng mga unibersidad, ang mga negosyo ay nagsidating sa rehiyon upang asahan ang mataas na kalidad ng mga manggagawa, kaya marami ang nagtayo ng mga himpilan dito. Nakatanggap ang lungsod ng pinakamaraming Business-Friendly City sa Pilipinas sa tatlong sunod-sunod na taon.
Ang turismo ay isa ding mahalagang bahagi ng ekonomiya ng Naga. Ang metro Naga area ay iniuri bilang isa sa mga pinakanangingibabaw na mga destinasyon ng turista sa rehiyon. Isa sa mga pinaka-popular na tourist spot ay ang Camarines Sur Watersports Complex. Kabilang sa iba pang mahahalagang mga palatandaan sa lugar ang Naga Metropolitan Cathedral at ang Basilika Minore ng Penafrancia, kapwa mahahalagang mga lokasyon ng Pista ng Nuestra Señora de Peñafrancia, na taun-taon ay nangyayari sa ikalawang Biyernes ng buwan ng Setyembre. Tanda ng pagsisimula ng pista ang prusisyon na dinadala ang imahen ng Birheng Maria mula sa basilika papunta sa katedral. Sa ikatlong Sabado ng kaparehong buwan, ang imahen ay ibinabalik sa basilika.

Comments

Hide