Metro Iloilo-Guimaras |
Ang Metro Iloilo-Guimaras ay binubuo ng Lungsod ng Iloilo, ang kalapit na Isla ng Guimaras, at ilang mga bayan at munisipalidad. Ang rehiyon ay ang sentro ng agrikultura at eco-turismo, at ang mga pagkabahala tungkol sa mabilis na urbanisasyon ay nagdudulot ng mga problema sa lugar habang sinusubukan ng mga opisyal na asikasuhin ang mga problemang patungkol sa espasyo at pagpapaunlad ng mga ari-ariang bahay at lupa doon. Bilang tugon sa mga pagkabahala, binuo nila ang Metro-Iloilo Economic Development Council noong 2006. |
Ang Lungsod ng Iloilo, na nagsimula bilang isang maliit na nayong pangisdaan sa paligid ng Ilog ng Iloilo, ang mismong sentro ng kalakhang lugar. Ang ekonomiya ng lungsod ay namayagpag ng maraming siglo bago dumating ang mga Kastila sa mga baybayin ng bansa at nagsimulang sakupin ang lugar. Pinanatili ng rehiyon ang malakas nitong ekonomiya hanggang pagkatapos ng dulo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kailan sinakop ng mga Hapon ang lungsod. Pinalaya ng mga pwersang Amerikano at Pilipino ang lungsod mula sa mga Hapon sa pagtatapos ng digmaan, at ang mga naiwang gusali ng mga batalyong Hapon na itinayo sa lungsod ay ginawang pansamantalang piitan. |
Hiligaynon ang wikang karaniwang ginagamit sa loob ng Metro Iloilo-Guimaras area, bagaman ang Ingles ay ginagamit sa mga eskwelahan at bilang bahagi ng industiya ng negosyo at kalakalan doon. Marami ding tao sa rehiyon ang nagsasalita ng Espanyol at gayundin ng mga matatandang katutubong wika. |
May ilang pangunahing palatandaan na matatagpuan sa lugar, tulad ng Arroyo Fountain at Calle Real, isang heritage site na nagpapakita sa ilang namumukod-tanging arkitektura sa rehiyon. Ang lugar ay sentro din para sa edukasyon sa Pilipinas. Ang St. Vincent Ferrer Seminary, Central Philippine University, at ang Unibersidad ng San Agustin ay matatagpuan lahat sa rehiyon. |
Comments
Hide