Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Metro Davao
Kabilang sa Lungsod ng Davao at kalipunan nito ang apat na iba pang mga lungsod at dalawang munisipalidad. Naiiba ang Metro Davao sa ibang mga metro area sa Pilipinas dahil wala itong opisyal na balangkas o anumang patakaran, hindi tulad ng mas malalaking mga lugar ng Metro Manila at Metro Cebu, na kinikilala bilang mga lokal na ahensya. Ang rehiyon ay matatagpuan sa mga lupang malapit sa Ilog ng Davao, na dumiretso sa Golpo ng Davao sa lugar.
Ang Lungsod ng Davao ang pinakamalaki sa Pilipinong isla ng Mindanao. Ito rin ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa labas ng metropolitan area ng Maynila at pangalawang pinakamalaki sa pangkalahatan. Tinitingnan ng timog na bahagi ng bansa ang metro Davao bilang isang mahalagang sentro ng sektor ng pamumuhunan at pagnenegosyo ng ekonomiya ng bansa. Bilang karagdagan, maraming turista ang pumupunta sa lugar taun-taon upang magpahinga sa mga dalampasigan ng rehiyon o umakyat sa mga kabundukan nito. Ang Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa, ay nasa Metro Davao.
Bilang karagdagan sa mga dalampasigan, marami ding iba pang destinasyon ng mga turista, tulad ng Crocodile Farm, na isang kanais-nais na lugar upang ikatuwa ang kalikasan at sumakay ng kabayo. Ang Katedral ng San Pedro, na isa sa mga pinakamatandang simbahan sa isla, ay matatagpuan din dito, pati rin ang ilang mga relika at lugar na nagsisilbing mga alaala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Digmaang Hapon, at iba pang makasaysayang mga labanan. May isang lugar na naglalaman pa rin ng mga bahay ng Hapones noong panahanon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Japanese Peace Memorial Shrine, at ang Battle Memorial, na gumugunita sa ng pinakamatagal na paglalaban sa pagitan ng mga Pilipino at mga pwersang militar ng Amerikano at ang hukbong Hapon.

Comments

Hide