Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Antipolo
Ang lungsod ng Antipolo sa Pilipinas ay matatagpuan sa Lalawigan ng Rizal na ilang milya lamang sa silangan ng Maynila. Ang lungsod ay isa sa mga pinaka-popular na destinasyon para sa mga sagradong paglalakbay sa bansa. Ang mga Katoliko sa Pilipinas ay sinasamba ang Birhen ng Antipolo mula pa noong kolonyal na panahon ng Kastila. Bagaman ang mga sagradong paglalakbay sa Antipolo ay ginagawa sa anumang oras ng taon, ang pinaka-popular na panahon ay gawin ang paglalakbay sa simula ng Biyernes Santo o sa gabi ng unang araw ng Mayo. Maraming manlalakbay ay pinipiling simulan ang kanilang paglalakbay sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila pagkatapos ng seremonya kung saan ang imahen ng Birheng Maria ay dinadala sa kahabaan ng daan. Maraming mga tao ang binibisita rin ang simbahan sa Antipolo para ipabasbas ang alin mang bagong mga sasakyan na kanilang binili upang ang mga taong sasakay sa kanilang sasakyan ay mananatiling ligtas.
Ang Antipolo ay nakaupo sa mga Bundok ng Sierra Madre, at ito ay napapalibutan ng mga anyong lupa. Itinatag ng mga misyonaryong Pransiskano ang lungsod sa huling bahagi ng ikalabinganim na siglo, na sinundan ng mga Heswita pagkatapos ng ilang taon. Ang simbahan sa Antipolo ay nawasak matapos magrebelde ang mga residenteng Instik laban sa mga Katoliko. Ang kilalang Birhen ng Antipolo ay inilagay sa simbahan noong 1626, ngunit ang imahen ay hindi nasundan hanggang pagkatapos makuha ng mga Rekoletos ang pamamahala sa lungsod noong 1864.
Ang lungsod ay nasakop noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagaman may dalawang operasyong gerilya na matatagpuan sa lungsod, na lumalaban sa mga sumasalakay na Hapon. Maraming residente ng lungsod ang pinahirapan at pinatay ng mga Hapon. Nang bombahin ng Estados Unidos and lungsod noong 1945, ang mga residente ay tumakas papunta sa kalapit na bayan, dala-dala ang imahen ng Birhen kasama nila. Tumagal ng labindalawang araw ang paglalaban upang palayain ang lungsod, at ang simbahan ay nasira sa proseso. Ito ay malao't madali na itinayong muli, at ang bilang ng mga tao na nagsimulang sambahin ang Birhen ng Antipolo ay dumami ng matindi pagkatapos ng digmaan.

Comments

Hide