Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Chocolate Hills
Isa sa mga pinakanamumukod-tanging destinasyon ng mga turista sa Pilipinas ay ang Chocolate hills, isang geological formation na binubuo ng mas marami sa 150 na mga burol na nakakalat sa isang malaking lugar. Ang pangalan ay nagmula sa kulay ng mga damo, na nagiging kulay tsokolate sa panahon ng tag-init. Ang tsokolateng kulay, itambal kasama ang konikal na hugis ng mga burol, ay ginagawa silang mukhang isang karagatan ng Hershey's chocolate kisses. Pinag-iisipan ng UNESCO ang pagsasama sa Chocolate Hills World Heritage list nito, at ang mga ito ay isa sa mga Seven Natural Wonders of Asia.
Dalawa sa mga burol sa ngayon ay bakasyunan ng mga turista, at ang orihinal na viewing station sa lugar ay isang bakasyunan na pinapalakad ng pamahalaan. Ang Chocolate Hills Complex ay nag-aalok ng isang observation deck kung saan maaring makita at marahil mabilang din ang mga burol.
Ang mga burol mismo ay karst na mga burol na binubuo ng mga patong ng iba't ibang uri ng bato. Nakahalo kasama ng mga burol ang maraming bilang ng mga bukal at kweba. Ang mga burol ay mga coral reef, ngunit sa loob ng libo-libong mga taon, isang gradwal na heolohikal na pagpapalit sa rehiyon ang nagdala sa kanila sa taas ng dagat at lumikha sa namumukod-tanging mga formation. Halos lahat ng mga burol ay natatakpan ng mga damo, na kulay berde sa panahon ng tag-ulan at kulay kape sa panahon ng tag-init. Ang mga kapatagan na matatagpuan sa pagitan ng bawat burol ay malimit na binubungkal, pinapahintulutan ang mga magsasaka na magpalaki ng pagkakakitaang mga tanim tulad ng palay. Sa kasamaang palad, ang pagtitibag sa lugar ay nagdudulot ng mga problema para sa lokal na mga halaman, inilalagay sa panganib ang kinabukasan ng namumukod-tanging formation na ito.

Comments

Hide