Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Tagaytay
Ang Tagaytay ay nasa Lalawigan ng Laguna sa Pilipinas. Ito ay isang popular na destinasyon para sa mga turista dahil sa kahanga-hanga nitong mga tanawin ng Bulkang Taal at Lawa ng Taal. Ilang beses nang nasira ng bulkan ang lungsod ng Tagaytay. Sumabog ang Bulkang Taal noong 1749, 1754 at 1911 na nagdulot ng matinding pinsala sa isla. Ang pagpapaunlad ng rehiyon ay nagsimula noong 1937 at naitayo ang Taal Vista Lodge, subalit noong 1965, muli na namang sumabog ang bulkan at nagbuga ng abo na siyang pumatay sa daan-daang mga tao.
Isa sa mga pangunahing destinasyon sa Tagaytay ay ang Palace in the Sky, o kilala rin bilang People's Park in the Sky. Ipinagawa ni Imelda Marcos, isang dating unang ginang ng Pilipinas, ang palayso para sa gobernador noon ng California na si Ronald Reagan, na hindi kailanman nagpakita. Pinaghalo ng Park in the Sky ang likhang-tao sa likas na kagandahan at nakaupo sa itaas ng apat na iba't ibang anyong tubig, kung saan matatanaw ang Manila Bay, Lawa ng Taal, Laguna de Bay, at Balayan Bay.
Isa sa mga pinakabagong destinasyon sa Tagaytay ay ang One Destination, na siya ngayong sentro ng nightlife ng lungsod. Marami ring mga kainan na matatagpuan roon. Ang Hardin ng Pagkakaibigang Pilipino-Hapon ay nakakaakit din ng maraming mga bisita dahil sa malikhaing pagkakagawa ng disenyo nito bilang paggalang sa kalayaan, pandaigdigang pagkakaisa, at kapayapaan.
Maaaring magustuhan ng mga debotong Kristyano at mga Romano Katoliko na maglakbay sa Tagaytay, kung saan matatagpuan ang Divine Word Seminary at Pink Sister's Convent. Ang seminaryo ay isa sa pinakamalaki at pinakamatandang seminaryo sa Pilipinas, at ang kumbento nama'y may mga madreng bente kwatro oras na naroon upang magdasal kasama ang sino mang kumatok sa kanilang pintuan.

Comments

Hide