Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Boracay
Ang Isla ng Boracay sa Pilipinas ay halos 200 milya sa timog ng kabisera ng bansa na Maynila. Ang isla ay nagkamit ng labis na mga gantimpala para sa kanyang mga dalampasigan, nakakuha ng ikalawang pwesto sa TripAdvisor's Traveler's Choice Awards noong 2011 at lumitaw sa ikaapat na puwesto sa Travel &Leisure's World's Best 2011 list.
May dalawang pangunahing mga dalampasigan na binibisita ng mga turista sa Boracay. Ang White Beach marahil ang pinaka-popular. Karamihan ng mga bakasyunan at bahay-tuluyan sa isla ay matatagpuan sa White Beach. Ang Beachfront Path ay dumadaan sa mga gusali at sa mismong dalampasigan, pinapanatili silang hiwalay ng kaunti mula sa karagatan.
Ang isa pang pangunahing dalampasigan sa Boracay ay ang Bulabog Beach, na matatagpuan sa kabilang dako ng isla. Ang mga byahero na gustong makaranas ng kaunting hangin sa kanilang buhok at subukan ang kite-boarding o windsurfing ay mas gugustuhin ang dalampasigang ito. Ang White Beach ay kalakhan na nasisilungan mula sa matataas na hangin na matatagpuan sa Bulabog Beach, kaya ito ay mas para sa mga tao na gusto lamang magpaitim o ikatuwa ang payapang paglublob sa tubig. Ang Bulabog Beach ay protektado din ng isang reef, na nagbibigay dito ng tama lamang na dami ng silong.
May dalawang pangunahing panahon sa Boracay. Ang panahon ng Amihan ang pinaka-popular para sa mga turista. Ang panahong ito ay nakakikita ng napakakaunti, kung mayroon mang ulan, at ang hangin ay hilagang-silangan. Kapag dumating na ang isa pang panahon, ang hangin ay lilipat ng direksyon, minsan ay kasing bilis ng magdamag. Ang panahon ng Habagat ay makikilala sa mas masasamang panahon at manaka-nakang pag-ulan. Ang panahon ng Amihan ay tumatagal mula taglagas, nagsimula sa Setyembre o unang bahagi ng Oktubre, at nagtatapos sa huling bahagi ng Mayo o simula ng Hunyo.

Comments

Hide