Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Eid ul-Fitr sa Pilipinas
Ang Eid ul-Fitr ay isang pistang Muslim na tanda ng pagtatapos ng Ramadan. Sa Pilipinas, na kung saan ang kalakhan ay Romano Katoliko, maraming tao ang hindi alam kung ano ang pista na ito. Bilang resulta, ang mga pagdiriwang ay iilan at malayo ang agwat. Maraming mga kalendaryong Pilipino ay hindi man lang inililista ang araw na ito bilang isang pista sa bansa, bagaman ito ay kinikilala bilang naturan noong 2002 bilang bahagi ng mga pagsusumikap pangkapayapaan sa mga relihiyon sa Pilipinas.
Sa tradisyon ng Islam, ang unang Eid ay noong taong 624 kasama ang propetang Muhammad, na noon ay nagdiriwang kasama ang mga kaibigan at pamilya matapos ang isang mapagpasiyang pagkapanalo sa Laban ng Jang-e Badar. Ang mga Muslim na iginagalang ang pista ay gumigising ng maaga at pumupunta sa mga pagdarasal ng Eid sa mosque. Bago pumunta sa mosque, nagbibihis sila sa kanilang pinakakaaya-ayang kasuotan at naliligo ng puspusan. Sila rin ay kumakain lamang ng isang piraso ng pagkain bago umalis ng bahay, na nangangahulugan ng pagtatapos ng ayuno ng Ramadan. Ang pagdiriwang ng unang Eid ay isang mahalagang milyahe para sa mga batang Muslim.
Binibigkas ng mga Muslim ang Takbir matapos nilang makupirma na ang buwan ng Shawwal ay natatanaw sa gabi ng huling araw ng Ramadan. Ipinagpapatuloy nila ang pagbigkas hanggang magsimula ang mga pagdarasal ng Eid. Binabayaran din ng mga Muslim ang kanilang mga limos ng Ramadan sa oras na ito. Pagkatapos ng dasal, nakikinig sila sa isang sermon at pagkatapos ay humihingi ng kapatawaran at awa sa lahat ng tao sa mundo. Ang mga tradisyon sa pangkalahatan ay nagtatapos sa pagyayakapan ng mga dumalo sa lahat sa kanilang paligid at pagbati sa kanila. Pagkatapos bibisitahin nila ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Comments

Hide