Metro Cebu |
Ang Cebu ay isang lalawigan at isla sa Pilipinas, ang metropolitan area na sumasakop sa lalawigan ay kilala bilang Metro Cebu. Ito ay matatagpuan sa gitna ng silangang dako ng isla ng Cebu at kabilang din dito ang maliit na bahagi ng kalapit na Isla ng Mactan. Dalawang pangunahing mga tulay ang kasalukuyang nagdurugtong sa Isla ng Cebu at Isla ng Mactan sa loob ng Metro Cebu, at nagsimula na ang pagpaplano para sa ikatlo. Ang Lungsod ng Cebu ang kabisera ng rehiyon, at ang metro Cebu ay binubuo ng labing-dalawang iba't ibang mga munisipalidad at lungsod. |
Kabilang sa ilan sa mga mahahalagang istruktura sa Metro Cebu ang Cebu International Convention Center, isang gusaling itanayo para sa ika-12 na ASEAN Summit, at ang Mandaue Coliseum, Cebu City Sports Complex, at ang Cebu Coliseum, lahat nang ito ay mga pinagdausan ng 2005 Southeast Asian Games. |
Noong unang bahagi ng 2011, libo-libong mga tao ang inilikas at naipit sa trapiko nang tumaas ang tubig baha at tinakpan ang ilang bahagi ng Metro Cebu. Sa pagtatapos ng taon, binuo ang isang master drainage plan na sinasabi ng mga opisyal na magpapahupa ng lumalalang isyu ng ng pagbaha sa metro Cebu. |
Karamihan ng Metro Cebu ay binubuo ng mga Cebuano, isang partikular na katutubong grupo na matataguan sa loob ng Pilipinas. Ang grupong ito ay ikalawa sa pinakamalaking grupo sa bansa na may sariling wika. Sa kasalukuyan, tinatantsa ng mga eksperto na mayroong 20 milyong Pilipino ang nagsasalita ng Cebuano. Ang grupong pangkultura na ito ay masusundan ang pinag-ugatan tatlumpung libong taon pabalik sa mga taong Austronesian na pumunta sa isla gamit ang barko mula Polynesia, Timog-silangang Asya, at Madagascar. Ang mga Cebuano ay tradisyunal na naniniwala sa animismo at pagsamba sa espiritu, bagaman marami sa kanila ay naging mga Romano Katoliko matapos itong ipakilala ng mga kolonyalistang Kastila. |
Comments
Hide