Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Ati-Atihan
Ang pyesta ng Ati-Atihan ay idinaraos sa Kalibo, isang maliit na bayan sa Isla ng Aklan sa Pilipinas. Ang pista ay dinaraos taun-taon sa pangatlong linggo ng Enero. Ito ay tumatagal ng isang linggo, at sa huling tatlong araw, isang makulay na parada ang ginaganap. Ang mga residente ay nagpipinta ng kanilang mukha at nagususot ng mga katutubong damit. Malimit na maraming sayawan at pagtugtog ng musika gamit ang tambol.
Ang pista ay nagsimula pa noong 1200s kung kailan dumaong sa Pilipinas ang sampung mga pinuno galing ng Borneo na noon ay tumatakas mula sa mga mananakop. Sila ay sinalubong ng mga Ati, na kabilang sa grupo ng mga katutubong nakatira sa Isla ng Panay. Bumili ng kapirasong lupa ang mga pinuno mula sa mga katutubong Ati upang sila ay makapagtayo ng bayan doon.
Hindi nagtagal ang mga dayuhan ay tumira na sa rehiyon, ang mga katutubong Ati ay nagkaroon ng hindi magandang ani at naubusan ng pagkain. Pumunta sila sa mga dayuhan at humingi sa kanila ng pagkain. Taun-taon ang mga residente ng mabundok na rehiyon ay bumababa sa kapatagan bilang paggunita sa pangyayaring iyon. Ang pagsasayaw at mga pagdiriwang na karaniwan sa panahon ng pyestang ito ay bilang pasasalamat sa pagbabahagi ng pagkain. Ang pagpipinta sa mukha ay bilang paggalang sa mga dayuhan, na pinipintahan ng itim ang kanilang mga mukha upang dakilain ang mga katutubong Ati.
Ang orihinal na pista ng Ati-Atihan ay isang paganong pagdiriwang na nakatuon sa animismo at paggalang sa kanilang espiritung panginoon. Nagsimula lamang magkaroon ng ilang mga Romano Katolikong elemento sa mga pagsasaya nang dumating ang mga Kastila at sinakop ang rehiyon. Di nagtagal ang buong pyesta ay natuon na sa Sto. Niño.

Comments

Hide