Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Dinagyang
Taun-taon, ipinagdiriwang ng mga taga-Iloilo ang Dinagyang Festival sa ika-apat ng Enero. Idinaraos ang mga pagdiriwang sa karangalan ng Sto. Niño at sa pagdating din ng mga dayuhan mula sa Malaysia. Marahil ang pista ay pinakakilala dahil sa maraming mga pagbabagong naidulot nito sa Pilipinas. Ang mga pagbabagong ito ang nagbukas ng daan para sa mga bagong anyo ng pagdiriwang sa iba pang mga pista sa buong bansa.
Isa sa mga makabagong istilo ng pagtatanghal na nagmula sa pista ay kilala bilang Carousel Performance. Kasangkot dito ang mga myembro ng iba't ibang mga tribo na nagtatanghal nang sabay-sabay sa isang malaking paligsahan. Madaming mga pista sa Pilipinas ang gumagamit din ng mga mobile riser, na siyang ginagamit sa pag-aayos ng mga pagtatanghal. Tinutugtog din ng mga musikero ang mga Dinagyang Pipes, isang instrumentong dipukpok na gawa sa mga tubo ng PVC.
Karaniwang kabilang sa mga kasiyahan sa pista ang isang makulay na parada at isang dula na itinatanghal upang dakilain ang kanilang patrong santo, na si Sto. Niño. May mahalagang papel rin ang sayawan at pagtugtog ng tambol sa mga kasiyahan. "Kasayahan" ang ibig sabihin ng pangalan ng pista at iyon mismo ang ginagawa ng mga residente ng Iloilo sa mga lansangan ng kanilang lungsod.
Unang ipinagdiwang ang Dinagyang noong 1968 matapos ibigay ang imahen ng Sto. Niño sa katedral sa Iloilo. Ang prusisyon mula sa palapagan patungong simbahan ang pinaka-unang pagdiriwang ng magiging pista ng Dinagyang. Bagaman ang pista ay nagsimula bilang isang relihiyosong pista, ang desisyon ng pamahalaan noong 1977 ang nag-atas sa mga Pilipino na gumawa ng mga pista na makapagpapalaki sa turismo.

Comments

Hide