Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Pista ng Itim na Nazareno
Ang Itim na Nazareno ay isang itim na iskulturang sinlaki ng tao na nagpapakita ng imahen ni Kristo na nililok mula sa kahoy. Ang imahen na ito ay nakadambana sa Pilipinas sa Basilika Minor ng Itim na Nazareno sa Maynila. Tuwing sasapit ang ika-9 ng Enero kada taon, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Pista ng Itim na Nazareno para sa karangalan ng imahen. Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa unang Biyernes ng Bagong Taon at nagpapatuloy hanggang sa ika-9 ng Enero. Iginagalang ng mga Pilipino ang imahen dahil ang kanilang kultura ay may matinding debosyon para sa mga pagpapasakit ni Hesus. Maraming mga tao sa Pilipinas ang ikinukumpara ang sarili nilang kahiripan sa mismong mga sugat na tinamasa ni Hesus.
Tanda ng pista ang dalawang prusisyon na dinadakila ang paglipat ng Itim na Nazareno sa kasalukuyan nitong dambana. Isa pang prusisyon ang idinaraos taun-taon tuwing Biyernes Santo sa karangalan ng pagpapako sa krus kay Hesus. Dinadala ng mga kalahok sa prusisyon ang imahen sa isang espesyal na karwahe na pinapasan nila sa kanilang mga likuran. Nakayapak din sila habang nagpuprusisyon at nagsusuot ng damit na maroon ang kulay. Ang pagyayapak ay sa karangalan ng paglalakbay ni Hesus patungong Kalbaryo.
Taun-taon, ilang mga tao ang namamatay sa mga prusisyon sa Pista ng Itim na Nazareno dahil sa matinding siksikan at pagdagsa ng malaking bilang ng mga tao. Ang ibang pagkamatay sa panahon ng pista ay inuugnay sa init at pagkapagod habang binubuhat nila ang imahen sa kahabaan ng mga kalsada. Mas marami ring nasasaktan at nasusugatan sa kaparehong mga paraan. Bilang karagdagan sa prusisyon, nagsasalit-salitan ang mga Pilipino sa paghalik sa imahen sa pag-asang magkaroon sila ng sariling milagro.
Taun-taon milyon-milyong mga tao ang pumupunta sa pista. Ang taong 2011 ang nagmarka ng ika-404 na taon ng imahen. Tumagal ang seremonya ng labinlima't kalahating oras - mas mahaba pa sa kung ano mang mayroon noon.

Comments

Hide