Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Araw ng Kabayanihan ni Dr. Jose Rizal
Ang Araw ng Kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ay isang pambansang pista sa Pilipinas na gumugunita sa mga kontribusyon ni Jose Rizal, na opisyal na kinikilala bilang isang pambansang bayani. Ang pista ay pumapatak sa ika-30 ng Disyembre, na siyang araw noong 1896 kung kailan pinatay si Rizal sa kasalukuyang Rizal Park.
Ang Araw ng Kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ay nagsimula bilang isang pambansang araw ng pagluluksa para kay Rizal at sa lahat ng mga Pilipinong napatay ng mga Kastila sa panahon ng kolonyal na pamamahala ng Espanya. Matapos talunin ng Estados Unidos ang Espanya sa dulo ng Digmaang Kastila-Amerikano, idineklara ni Pangulong William Howard Taft si Jose Rizal na maging pambansang bayani sa Pilipinas. Isang taon matapos iyon, hinirang ng pamahalaan ng Pilipinas ang ika-30 ng Disyembre bilang isang pambansang pista sa karangalan ni Rizal.
Isa sa mga pinaka-tanyag na mga paraan ng pagdiriwang ng pista ay nagmula pa sa taong 1948, kung kailan opisyal na ipinagbawal ng isang batas ang pangangarera ng kabayo, sabong at jai-alai sa araw ng ito'y ipinatupad. Isa pang mahalagang bagay na nangyari sa pista ay noong 1936 kung kailan opisyal na kinilala ang Tagalog bilang pambansang wika ng Pilipinas. Iyon ang parehong taon kung kailan naging opisyal na araw ng inagurasyon ang pista para sa bawat presidente ng Pilipinas. Ang seremonya ng inagurasyon ay kadalasang ginaganap sa Independence Grandstand, na nakaharap sa libingan ni Rizal. Ito din ang lugar kung saan ginanap ang pagdiriwang ng kalayaan noong 1946.
Noong 1996, ipinagdiwang ng Pilipinas ang isang daang taon mula noong patayin si Rizal. Kabilang sa mga pangyayari ang pagmamarka at pagsunod muli sa landas na tinahak ni Rizal sa paglalakad mula Fort Santiago kung nasaan ang kanyang selda papunta sa kung saan siya pinatay. Ang mga kalahok ay isinasabuhay rin ang pagpatay sa kanya at itinaas ang pambansang watawat sa lugar.

Comments

Hide